Saturday , April 27 2024

Taxi driver todas sa 2 holdaper

BINAWIAN ng buhay ang isang taxi driver makaraan barilin ng dalawang holdaper kahapon ng madaling araw sa  Malabon City.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng driver’s license na si Floredan Cuales, 40, driver ng LIZDEPEN transport service taxi (ALA-5728), at residente ng 08 Don Edilberto St., Don Enriquez Heights, Quezon City, may tama ng bala ng baril sa likod ng ulo.

Base sa ulat nina PO3 Jun Belbes at PO2 Benjamin Sy, dakong 3:55 a.m. nang maganap ang krimen sa tapat ng isang bahay sa 7-A. Acero St., Brgy. Tugatog, ng lungsod.

Ayon kay Randy Dela Cruz, 43, pedicab driver sa lugar, kitang-kita niyang nakipagbuno ang biktima sa dalawang lalaki sa loob ng kanyang taxi hanggang bigla na lamang siyang nakarinig nang malakas na putok ng baril at pagkaraan ay nagmamadaling lumabas sa nasabing sasakyan ang mga suspek.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *