Friday , February 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

City engineer, anak na bombero sugatan sa ambush

112514 crime sceneCAMP OLIVAS, Pampanga – Kapwa sugatan ang Tarlac City engineer at anak niyang bombero makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Brgy. San Sebastian, Tarlac City.

Ayon sa ulat ni Senior Supt. Alex Sintin, Tarlac Police Provincial director, isinugod ng mga saksi sa Luzon Doctor’s Hospital ang mag-amang sina Bonifacio Liwanag, 52, Fire Officer 1 Cyrus Liwanag, 24, nakadestino sa Bureau of Fire and Protection sa lalawigang ito.

Ayon kay Senior Supt. Sintin, patungo sa kanilang trabaho ang mag-ama sakay ng Mitsubishi L-200 na minamaneho ni Bonifacio.

Pagpasok sa Gate-3 ng San Sebastian, bigla silang pinaulanan ng bala ng mga suspek na nakapuwesto sa kaliwang bakod.

Bagama’t  sugatan ay nagawa ni Bonifacio na patakbuhin ang sasakyan patungo sa himpilan ng BFP habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Leony Arevalo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Limang tirador ng mga solar inverter nasakote

NAARESTO ng pulisya ang limang indibiduwal kabilang ang isang babae na sangkot sa laganap na …

DRT Doña Remedios Trinidad Bulacan

Firearm components, iba pang supply ng mga rebelde natagpuan ng militar sa Bulacan ops

NAREKOBER ng militar ang mga firearm components at logistical supplies na pinaniniwalaang ginamit ng mga …

arrest, posas, fingerprints

Top 8 regional most wanted rapist sa Aurora Province arestado

NAGWAKAS ang matagal na pagtatago sa batas ng isang lalaki na may kasong panggagahasa nang …

dead gun

Trike driver binoga sa batok tigok ‘pintor’ arestado

ISANG tricycle driver ang bumagsak at agad na namatay nang barilin sa batok ng isang …

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person …