MA at PA
ni Rommel Placente
NAGTATAKA si Kris Bernal kung bakit dinedeadma at iniiwasan siya ng dating ka-loveteam sa GMA 7na si Aljur Abrenica.
Umabot pa nga raw sa puntong in-unfriend at i-unfollow siya ni Aljur sa social media kaya wala na siyang way para magkausap sila.
Sabi ni Kris, “Wala kaming communication. Ang alam ko, hindi kami magkagalit. Basta ako, I tried naman na mag-reach out sa kanya.
“Pero, hindi ko alam kung bakit hindi niya ako sinasagot. Nagti-text ako, Viber sa kanya, pero wala talaga,” sabi pa ng aktres.
Pagpapatuloy ni Kris, “Ang tagal ko na siyang kino-contact, dahil gusto ko nga siyang i-guest sa YouTube channel ko. Pero wala talaga.
“Nag-message pa ako sa brother niya, si Vin Abrenica, kung ‘yun pa rin ang number ni Aljur. Pareho pa rin naman daw. Pero, anong mayroon? Bakit parang lumalayo siya sa akin?
“Gusto ko lang naman siyang maka-collab sa YouTube ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Napansin ko lang talaga na he started unfollowing me,” nagtatakang sey pa ng aktres.
Hirit pa niya, “Bakit? Ano ba ang nagawa ko? So, in-unfollow ko na rin siya. Wala naman akong ginawa sa kanya. Ano ba ang kasalanan ko?” nagtatakang sabi pa ni Kris.
Pero may isang naiisip na dahilan si Kris, “Nag-prank kasi ako sa YouTube ko, pero matagal na ‘yon, pandemic pa ito. Niloko ko siya na buntis ako, ganoon, ganyan, tapos ang haba ng sinabi niya sa ‘kin.
“Isang oras kaming nag-usap noon. Then, sinabi ko nga sa kanya na prank ‘yun. Dalaga pa kasi ako noon. Sumakay siya sa prank ko. Nagpakita siya ng concern. Genuine ang mga payo niya sa akin.
“After that, hindi na niya ako kinausap. So, baka ‘yon. Pero sorry Aljur, hindi na kita ipa-prank. At saka, matagal na rin naman ‘yun,” dagdag pa niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com