Thursday , June 4 2026
Vice Ganda Alvin Aragon Izzy Trazona

Vice Ganda nagbiro sa ika-11 utos ayon sa asawa ni Sexbomb Izy na si Alvin

MA at PA
ni Rommel Placente

TRENDING ang dating aktor na si Alvin Aragon nang mag-guest kamakailan sa show ni Jigo Postulero na Jigo Live sa DWAR 1494 Abante Radyo.

Paano kasi ay nagsalita siya ng laban sa Sexbomb, na dating member ang misis niya na si Izy Trazona. Pati sa mga asawa ng mga member ng all-girl group, ay hindi pinaligtas ni Alvin, lalo na ang mister ni Sunshine Garcia na si Vice Governor Alex Castro.

At ang mas ikinaloka ng nakapanood kay Alvin, ay nang sabihin niya na  ang Diyos daw ang nagpa-resign kay Izzy sa Sexbomb. 

Nakarating kay Vice Ganda ang sinabing ito ni Alvin. Kaya naman sa pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime noong Martes, sa segment na Laro, Laro Pick, ay nagbiro siya at nagpasaring sa mister ni Izzy, na kinaaliwan ng madlang people.

Tinanong kasi ni Vice ang isang contestant kung alam ba nito kung ilan talaga ang utos ng Diyos?

Sampu ang sagot ng contestant, na agad na kinontra ni Meme Vice, “Dati sampu, ngayon 11 na!”

Nagulat ang contestant sa tugon ng Unkabogable Star, kaya inabangan nito kung ano ang pang-11 utos ng Diyos na sinasabi ni Vice.

Biro ng comedian-TV host, nadagdagan na nga raw ito. At ang ika-11 utos ay ang ‘Mag-resign sa Sexbomb.’

Ito nga kasi ang sabi ni Alvin na utos daw ng Diyos kay Izy.

Dalawang beses pa itong inulit ni Vice na nagpahagalpak sa mga tao sa studio. 

Agad ding nag-trending ang splice video ng nasabing segment. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …