Thursday , June 4 2026
KimPau Kim Chiu Paulo Avelino

KimPau handog ang ibang ending at mga bagong eksena sa TV Airing ng The Alibi

MULING mababalot ng misteryo ang Primetime Bida sa pagbabalik-telebisyon nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil mapapanood na ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan, hatid ang ibang bersiyon ng finale at mga eksenang hindi pa naipakikita noong nag-premiere ito sa Prime Video. 

Tiyak na itotodo ang kaba at kilig sa mga bagong eksenang ipalalabas tungkol sa nakaiintrigang pag-iibigan nina Stella (Kim) at Vincent (Paulo), na hahantong sa mga kaabang-abang na plot twist at rebelasyon kaugnay sa totoong taong pumatay kay Walter (Sam Milby).

Naging numero unong show ito sa Prime Video Philippines noong nag-premiere dahil maliban sa mga misteryong bumabalot sa kwento, pinuri rin ang mas mapangahas na pagganap ng KimPau. Isa sa mga pumatok at naging usap-usapan online ay ang eksena ng sexy pole dance number ni Stella (Kim) habang namamanghang nakatitig sa kanya si Vincent (Paulo). 

Bumenta rin sa mga manonood ang mga eskandalong komprontasyon nina Kim at Sofia Andres, gayundin ang matinding girian nina Paulo at Sam. 

Umiikot ang kwento ng The Alibi sa komplikadong relasyon ng escort na si Stella at sa tagapagmana ng pinaka-makapangyarihan na news agency sa bansa na si Vincent. 

Magbubuklod ang dalawa sa likod ng mga sikreto nang bayaran ni Vincent si Stella para tulungan siyang linisin ang kanyang reputasyon matapos siyang ituro bilang prime suspect sa pagpatay sa karibal niyang si Walter. 

Tampok din sa serye sina John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Rafael Rosell, Robbie Jaworski, at Angelina Cruz. Mula ito sa direksiyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …