Monday , June 8 2026
Rod Navarro Jr Coco Martin

Hugot ng galit ni Rod Jr kay Coco saan nanggagaling?

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-POST si Rod Navarro Jr. sa kanyang Facebook account na inakusahan niya si Coco Martin  ng unfair treatment noong kasama pa siya sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo.

Minumura at nilalait din daw siya ni King of Primetime Teleserye at ng iba pang taga-production ng nasabing serye.

Sinagot ni Ogie Diaz ang mga akusasyon na ito ni Rod sa pamamagitan din ng kanyang FB account.

Post ni Ogie, ”May nag-message pala sa akin. Now ko lang nabasa sa message request dahil na-curious ako dito sa anak ng namayapang si Rod Navarro. Sorry nga pala, di kita agad nareplayan. 

“Since binanggit mo ang pangalan ko, Rod Navarro Jr., eh meron lang akong gustong itanong sa yo. 

“Paano kang minura at minaltrato sa set ng ‘Batang Quiapo’ kung nag-message ka sa akin dahil gusto mong magpainterbyu para makapagpasalamat kay Coco sa kabutihan nito sa yo?

“Saka nag-post ka ng 4.20am, di ka pa natutulog o kagigising mo lang o nasa stage ka ng depression? 

“Unang-una, hindi ka naman kilala ni Coco nang personal. Lumapit ka nang maayos, binigyan ka ng chance. Lumabas ka sa ‘Batang Quiapo.’

“Na kapag wala kang work di ba eh gusto niya mag-marshall ka sa taping para magmasid-masid ka doon habang wala kang work?

“Inalok ka pa ni Coco na magnegosyo. Mag-isip kayo ng pamilya mo kung ano ang pwede nyong i-negosyo at bibigyan ka niya ng 100k bilang puhunan basta latagan mo lang siya ng business plan mo, dahil ayaw niyang masayang yung puhunang ibibigay lang niya sa yo. 

“Yung pera, nandun lang sa isang staff, pero pitong buwan nang andun yung pera, hindi mo raw kinukuha. So natural, ibabalik na ito kay Coco. Ano iisipin ni Coco? Di ka interesado sa puhunang ibibigay niya sa yo. 

“Ikaw ang tinutulungan nung tao kahit di ka kaanu-ano. Sana, na-appreciate mo man lang yung gesture nung tao sa yo. 

“Binigyan ka ng exposure at hindi naman basta extra lang. Namatay ang character ni Irma Adlawan, natural, mawawala din ang character mo. 

“At eto na nga, sabi mo sa message mo sa akin, napakabait at napakatiyaga sa yo ni Coco nung Nov. 20, 2024 at gusto mong magpainterbyu dahil sabi mo, gusto mong magpasalamat kay Coco. 

“So saan galing ang hugot ng galit mo kay Coco ngayong 2026? 

“Paano ka tutulungan ng industriyang ito kung nakakalimutan mong maging grateful?”

So, bakit kaya naisipang mag-post ng hindi maganda ni Rod against Coco, to think na gusto pala niyang magpa-interview kay Ogie para magpasalamat sa actor-director? 

Ano kaya ang nagtulak sa kanya para gawin ‘yun?

In fairness kay Coco, sa pagkakakilala namin sa kanya,  sadyang mabait at matulungim siya. Kaya hindi kami naniniwala sa mga paratang sa kanya ni Rod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa …

Kaye Abad Cancer Survivors Month

Kaye ipina-tattoo pink ribbon para sa Cancer Survivors Month

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “FOR quiet battles and victories of a cancer survivor.” Caption ng tattoo …

Apphle Celso Christy Imperial

Marian at Dakota Johnson inspirasyon ni Apphle para mahalin ang sarili

MATABILni John Fontanilla IDOLO ng VMX actress na si Apphle Celso sina Marian Rivera at Hollywood actress Dakota Johnson. Ayon kay Apphle …

Jillian Ward

Jillian mas gustong pribado ang buhay pag-ibig 

MATABILni John Fontanilla MAS gustong maging pribado ang lovelife ng  Kapuso Drama Princess na si Jillian Ward. …

Mia Japson

Recording artist na si Mia Japson, proud sa nakamit na parangal 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio THANKFUL ang bagets na recording artist na si Mia Japson …