Monday , March 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras Coco Martin

Netizen nanawagan kay Coco, Mark bigyan ng trabaho

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-VIRAL ang crying video ni Mark Herras sa kanyang Instagram page.

May mga nagsasabing isa raw sa dahilan nito, ay ang umano’y pinagdaraanang problema nila ng kanyang asawa.

Ang hinala naman ng iba ay medyo hirap daw ngayon si Mark financially dahil sa kawalan ng regular na trabaho lalo pa’t may binabayaran pa silang bahay.

Inulan ng komento mula sa mga concerned netizen ang video na ito ni Mark:

Sabi ng isa, “Maiiyak ka talaga kapag wala kang pera.”

Ang reaksiyon naman ng isa pa, “Dapat ang mga artista may ibang source of income. Bukod sa pag-aartista para if walang project ‘di nganga.”

”Sana bigyan si Mark ng project sa Kapuso. May mga dance challenge naman sila ba’t ayaw isali si Mark hamak na mas magaling naman siya pagdating sa dance floor,” ayon naman sa isa pa.

Isa sa nakatawag-pansin ay ang komento ng isang netizen na panawagan kay Coco Martin na bigyan ng trabaho si Mark.

Sana maipasok ni Coco si Mark sa ‘Batang Quiapo,’ anito.

Isa sa mga tinulungan ni Coco noon ay si Aljur Abrenica nang mawalan din ito ng work at ipinasok niya ito sa kanyang tv show.

Abangan na lang natin kung mababasa ni Coco ang panawagan na ito ng netizen at ipasok din kaya niya si Mark sa kanyang action-series?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Sinelas.atbp

Sinelas.atbp sumasalamin sa diwa ng kasiningan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA and mga produktong iprinisinta ng Sinelas.atbp. na pag-aari ni Ms. Amelita Revilla noong Martes, …

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …