Friday , February 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mon Confiado Ynez Veneracion

Mon nagbabalik pagtingin kay Ynez

KINUHA ang reaksiyon ni Mon Confiado sa pagpaparetoke ng dati niyang girlfriend na si Ynez Veneracion.

Nanibago ba siya sa itsura ni Ynez noong una niya itong makita matapos sumailalim sa beauty enhancement?

Sagot ni Mon, “To be honest, hindi. Pero noong una, medyo may mga reaction din ako katulad din niyong mga basher niya, alam ni Ynez iyon.

“Sabi ko, ‘Ang ganda-ganda mo na! Ang ganda ng ilong mo, ang ganda mo! Bakit mo pa pinagalaw?’

“Pero minsan kasi, ganoon tayo, eh ‘di ba? Alam ko kasi ang back story ni Ynez from… kasi, 17 years kaming magkasama. So iyong kanyang self-confidence ay sobrang baba,” rebelasyon ng aktor.

Kaya minsan iyong tao, talagang gagawin mo lahat para sa isip mo, maganda ka. Maging confident ka.

“So kung iyon ang makatutulong sa confidence niya, eh, wala tayong karapatan para i-bash siya, ‘di ba?” aniya pa.

Sundot na tanong sa kanya kung bumabalik ba iyong dating pagtingin niya kay Ynez kapag nagkikita uli sila?

Ewan ko, parang ano, eh. Parang tingin ko, 17 years ago pa rin ang itsura niya, eh. Kasi 17 lang si Ynez noong naging girlfriend ko. Sa akin nagdalaga iyan, eh.”

Samantala, magkasama sina Mon at Ynez sa pelikulang Batang Paco. Showing na ito sa mga sinehan sa February 18. Mula ito sa  direksiyon ni Rechie del Carmen at mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa

Kasama rin sa cast sina Chichi Rita, Cassy Lavarias, Richard Quan, Alma Concepcion, Lara Morena, Natasha Ledesma, Kookoo Gonzales, Gerard Acao, Josh Ivan Morales, Kim Rodriguez, Jovi Vargas, at Quentin Molo

Produced  ito ni Ana Abiera del Moral ng MiVida Productions, Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia malaki ang tiwala sa mga bida ng I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales KA-CHAT namin si Sylvia Sanchez isang gabi matapos ang contract-signing ng Nathan Studios/Nathan Studios …