Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards

Alden abala sa kabi-kabilang proyekto

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKABALIK na sa Pilipinas si Alden Richards at ang kanyang pamilya after ng dalawang linggong bakasyon sa US nitong nagdaang holiday season.

Maikling panahon lang ang iginugol ni Alden sa Amerika pero aniya, naging makabuluhan at memorable ang bakasyon niyang ‘yun dahil kasama niya ang kanyang buong pamilya.

Ayon sa award-winning actor at TV host, nakapagpahinga naman siya, at ngayon ay handa na siyang muling magtrabaho. Marami siyang naka-line up na projects sa GMA 7.

Hindi kami masyado lumabas sa area, so there were no planned long trips. Nandoon lang kami most of the time sa bahay tapos kain lang sa labas,” sabi ni Alden sa panayam ng 24 Oras.

Todo pasalamat din ang award-winning actor, dahil nabigyan uli siya ng pagkakataon na makasama ang pamilya noong nagdaang holiday season.

It’s really more of having quality time with family, kasi ayun ‘yung medyo nawala last year, and also ayun din ‘yung isa sa mga nagiging recharge moments ko,” sabi pa niya.

Sa pagsisimula ng Bagong Taon, magiging busy na ang binata sa kanyang comeback project, ang upcoming Kapuso medical series na Code Gray.

Bukod dito, mayroon pa siyang international film na Big Tiger, na for the first time ay gaganap siyang kontrabida. Isa rin siya sa mga producer ng pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Jaime humingi ng paumanhin ‘nasagasaan’ ng amang si Anjo

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL at kontrobersiyal ang mga video ni Anjo Yllana sa samo’tsaring isyu sa …