MA at PA
ni Rommel Placente
KINILIG ang komedyanang si Rufa Mae Quinto sa episode ng Politiko Talks sa Bilyonaryo News Channel nang tanungin niya si DILG Secretary Jonvic Remulla kung paano niya ito dapat tawagin.
“Gusto ko lang malaman, how will I call you? Like DILG sir?” tanong ni Rufa Mae kay Remulla.
Sa halip na seryosong sagot, biglang nagbiro ang kalihim at humirit: “Puwedeng love, sweetheart,” sabay tawa niya.
Ikinahalakhak din ito ng co-anchors ni Rufa Mae na sina Marichu Villanueva at Jesus Falcis.
Tila nawindang naman si Rufa Mae sa biro at hindi agad nakatugon.
“Teka lang. Ano ‘yun? Ano ‘yun? Kinilig tuloy ako. Charot!” ani Rufa Mae.
“Minsan lang kita nakitang nawiwindang. Nagulat ka roon ah,” sabi pa ni Remulla.
“Oo nga eh,” sabi naman ni Rufa Mae.
“Sec lang, sec lang,” sagot naman ng kalihim nang seryosohin ang tanong ni Rufa Mae kung paano siya dapat tawagin.
Si Rufa Mae ay bagong anchor ng Bilyonaryo News Channel kasama ang respetadong journalist/editor na si Marichu at abogadong si Falcis.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com