Friday , January 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Bernal Aljur Abrenica

Kris takang-taka sa pag-iwas, pag-deadma sa kanya ni Aljur

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGTATAKA si Kris Bernal kung bakit  dinedeadma at iniiwasan siya ng dating  ka-loveteam sa GMA 7na si Aljur Abrenica.

Umabot pa nga raw sa puntong in-unfriend at i-unfollow siya ni Aljur sa social media kaya wala na siyang way para magkausap sila.

Sabi ni Kris, “Wala ka­ming communication. Ang alam ko, hindi kami magkagalit. Basta ako, I tried naman na mag-reach out sa kanya.

“Pero, hindi ko alam kung bakit hindi niya ako sinasagot. Nagti-text ako, Viber sa kanya, pero wala talaga,” sabi pa ng aktres.

Pagpapatuloy ni Kris, “Ang tagal ko na siyang kino-contact, dahil gusto ko nga siyang i-guest sa YouTube channel ko. Pero wala talaga.

“Nag-message pa ako sa brother niya, si Vin Abrenica, kung ‘yun pa rin ang number ni Aljur. Pareho pa rin naman daw. Pero, anong mayroon? Bakit parang lumalayo siya sa akin?

“Gusto ko lang naman siyang maka-collab sa YouTube ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Napansin ko lang talaga na he started unfollowing me,” nagtatakang sey pa ng aktres.

Hirit pa niya, “Bakit? Ano ba ang nagawa ko? So, in-unfollow ko na rin siya. Wala naman akong ginawa sa kanya. Ano ba ang kasalanan ko?” nagtatakang sabi pa ni Kris.

Pero may isang naiisip na dahilan si Kris, “Nag-prank kasi ako sa YouTube ko, pero matagal na ‘yon, pandemic pa ito. Niloko ko siya na buntis ako, ganoon, ganyan, tapos ang haba ng sinabi niya sa ‘kin.

“Isang oras kaming nag-usap noon. Then, sinabi ko nga sa kanya na prank ‘yun. Dalaga pa kasi ako noon. Sumakay siya sa prank ko. Nagpakita siya ng concern. Genuine ang mga payo niya sa akin.

“After that, hindi na niya ako kinausap. So, baka ‘yon. Pero sorry Aljur, hindi na kita ipa-prank. At saka, matagal na rin naman ‘yun,” dagdag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bam Aquino Bianca Gonzales Y Speak

Bam Aquino sasamahan nina Elijah at KD sa Y Speak

HINDI maiwasang magbalik-tanaw ni Senador Bam Aquino sa kanyang karanasan bilang host kasunod ng pag-anunsiyo ng pagbabalik …

GMA Regional tv

GMA artists bubusugin sa saya mga Pangasinense

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG unforgettable evening ang tiyak na hatid ng ilang GMA stars sa mga …

Vina Morales Gladys Reyes Neil Ryan Sese

Vina nagkakapasa-pasa sa awayan nila ni Gladys 

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYANG nakipagkulitan ang mga bida ng Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales, Gladys …

Sean Raval Jeric Raval

Sean gustong makilala bilang action star:  hindi dahil kamukha ko siya

RATED Rni Rommel Gonzales WALA sa cast ng Spring In Prague ang young male star na si Sean …

Paolo Gumabao Spring in Prague 

Paolo malaking katuparan pagbibida sa Spring in Prague

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINOKONSIDERA ni Paolo Gumabao na isa sa maganda at malaking achievement ang paggawa …