MA at PA
ni Rommel Placente
SA edad na 16 ay nagka-baby na si Bugoy Carino mula kay EJ Laure, isang volleyball player.
Si Scarlet ang anak ng mag-asawa, na ngayon ay pitong taong gulang na.
Aminado ang dating child actor na nakaramdam siya ng pagsisisi noong magkaanak siya sa murang edad.
Totoong nanghinayang siya sa kanyang showbiz career noong bigla siyang magkaroon ng baby. Pero na-realize niyang isang blessing ang pagdating ni Scarlet sa buhay niya.
“Well, aaminin ko po, noong una talaga nanghinayang po talaga ako. Habang tumatagal, nare-realize ko na kumbaga parang gift siya ni God. So blessing siya,” sabi ni Bugoy.
Aniya pa, “Kumbaga noong time na ‘yon, mas maraming blessing na pumasok sa akin. Inalis ko na sa isip ‘yong regrets ko at pagsisisi.
“Natuto akong unahin family ko kaysa sarili ko, kumbaga ‘yung pangarap ko para sa kanila.
“Walang ibibigay si God na pagsubok, blessing, o gift na hindi natin kaya. Para sa atin talaga,” aniya pa.
Samantala, isa si Bugoy sa mga bida sa pelikulang Breaking The Silence, written and directed by Errol Ropero. Executive Producers Ms. Ann Michelle Weber & Mr. Lawrence Weber under Gummy Entertainment Productions.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com