PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAGTATANONG ang mga supporter at fan ng PBB kung bakit sa isang maliit na venue lang gaganapin ang Big Night nito sa July 5?
“Grabe naman. Kung kailan may collab sila sa GMA 7, mga sponsor at mga housemate na mayayaman sa text votes, at saka naman nila ipinararamdam sa mga big fan ng show na nagtitipid sila?,” komento ng mga fan.
Halatang-halata na nga raw na pera-pera na ang labanan pero nagmumukha raw itong isang ordinaryong reality show na may perang involve dahil nga sa venue?
With all due respect din sa venue, nasanay lang siguro ang mga utaw at fan sa malalaking pakulo at gimik ng PBB noon.
Understandable raw na nagmukhang pucho-pucho ang previous edition dati dahil wala silang ka-collab o sponsor, pero naman daw, nandiyan ang GMA 7 at mga sponsor na nagkalat ang branding sa loob at labas ng Bahay ni Kuya?
Anyare?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com