Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina Sarah Discaya 3

Ara kay Sarah — masarap makasama taong may mabuting puso

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

IPINAKILALA ni Ara Mina sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media ang tinatawag niyang “ate” ngayon na si Sarah Discaya.

Siya ‘yung mayamang negosyante na tatangkaing labanan sa pagka-mayor ng Pasig ang incumbent Mayor na si Vico Sotto.

Suntok sa buwan, pader ang babanggain,” mga salitang ibinahagi nina Ara at Sarah sa realidad ng politika sa Pasig.

But we believe in democracy. Na may kapasidad ding maghangad ng public service ang qualified candidate. And I believe I am also qualified,” sey pa ni Sarah na bukod sa pagiging ina ng Pasig ang layunin, talagang nakagisnan na ang public service since she was a kid.

“Barangay official ang father ko. I grew up and studied in UK bago kami bumalik sa bansa at naging business people. Noon pa man, bahagi na ng pamilya namin ang tumulong sa lahat,” kwento pa ni Sarah.

In fact, sa building na naimbita ang media friends ni Ara ay mistula itong isang city hall sa dami ng mga taong nakapila at kumukuha ng ID para sa mga proyekto ni Sara mula sa hospitalization, ayuda, at iba pang bagay na may kinalaman sa ekonomiya at trabaho.

Kaya naman buong pagmamalaki ni Ara na tumatakbo ring Konsehal sa second district ng Pasig, “mas masarap makasama ang isang tao na may mabuting puso, may magandang record ng pagtulong na walang hinihinging kapalit at may pusong ina na gagawin ang lahat para sa anak at sa pamilya. ‘Kaya this’ iyan ni ate Sarah Discaya,” pagmamalaki pa ni Ara na super payat na at seksi ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …