Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donnabel Kuizon Cruz Prime Energy Philippine Petroleum Association of the Upstream Industry

Prime energy CEO nahalal bilang chairperson ng PH upstream oil and gas group

022625 Hataw Frontpage

NAHALAL na bagong Chairperson ng Philippine Petroleum Association of the Upstream Industry (Oil & Gas), Inc. (PAP) si Donnabel Kuizon Cruz, Presidente at CEO ng Prime Energy, ang operator ng Malampaya Gas Field.

Itinatag noong 2013, ang PAP ay isang non-profit organization na binubuo ng mga kompanya sa upstream petroleum operations.

Ang mga miyembro nito ay kumakatawan sa kabuuang produksiyon ng langis at gas ng bansa. Sila rin ang nagtataguyod ng interes ng mga upstream oil and gas industry.

Ang PAP ay nakikipagtulungan sa pamahalaan kabilang na ang PH Extractives Industry Transparency Initiative na pinangungunahan  ng Department of Finance  (DOF) at ang 2024 Bid Round Launch ng Department of Energy (DOE).

Bukod sa Prime Energy, ang mga kompanyang miyembro ay kinabibilangan ng Nido Petroleum Philippines Pty. Ltd., Oriental Petroleum and Minerals Corporation, PXP Energy Corporation (dating Philex Petroleum Corp.), Petro Energy Resources Corporation, The Philodrill Corporation, PNOC Exploration Corporation, Enex Energy Corp., UC38 LLC, Anglo Philippine Holdings Corporation, NPG Pty. Ltd., at Alcorn Petroleum and Minerals Corporation.

Ang mga kasamang miyembro ay kinabibilangan ng mga pangunahing kompanya ng serbisyo at suporta tulad ng CSA Resources, BenLine Agencies, Royal Cargo, Sycip Gorres Velayo & Co., at Desco Inc.

Sa katatapos na memebership meeting sa Parañaque City, ipinahayag ng mga miyembro ng PAP ang kanilang buong tiwala sa pamumuno at estratehikong pananaw ni Cruz para sa isang ligtas at napapanatiling enerhiya sa hinaharap.

“I am deeply honored by the trust and confidence of my peers in the industry. As we move forward, PAP remains committed to working closely with the government and stakeholders in ensuring a stable and sustainable energy future for the Philippines,” ani Cruz sa pagtitipon ng PAP na dinaluhan ni Energy Undersecretary Alessandro O. Sales.

Pinamumunuan ni Cruz ang Prime Energy, isang subsidiary ng Prime Infra at ang operator ng Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project, na nagbibigay ng halos 20% ng pangangailangan sa elektrisidad ng Luzon.

Sa mahigit dalawang dekadang karanasan sa sektor ng enerhiya, si Cruz ay nagkaroon ng mahalagang papel sa pagbubuo ng upstream industry ng bansa.

Bago pamunuan ang Prime Energy, nagtayo siya ng isang malakas na track record sa paggalugad at produksiyon, pamamahala ng asset, at mga regulasyon.

“Together, we will continue advancing the responsible development of the country’s oil and gas resources, helping build a stronger economy and a better future for Filipinos,” sabi ni Cruz.

Ang pangakong ito ay makikita sa Prime Energy at sa iba pang mga miyembro ng Malampaya Service Contract 38 (SC 38) consortium na naglalayong maghatid ng bagong gas sa 2026 sa pamamagitan ng pagbabarena ng dalawang produksiyon na balon at isang exploration well sa 2025. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …