Saturday , June 25 2022
Claudine Barretto

Claudine deadma sa pagkatalo

HATAWAN
ni Ed de Leon

SI Claudine Barretto, kumandidatong konsehal lamang sa Olongapo, natalo?

Inaasahan na naming mangyayari iyan. Mukha naman kasing hindi seryoso si Claudine sa pagkandidatong iyon. Mukhang kinumbinsi lamang siya pampalakas ng line up. Bagama’t may properties sila sa Olongapo, sa Quezon City naman talaga naninirahan si Claudine.

Maski sa kanyang mga interview eh, hindi nababanggit ni Claudine na kandidato siya sa Olongapo. Nagkaroon pa nga siya ng controversy nang sabihin niya kung ano ang pinaniniwalaan niyang beliefs ng kanyang dating boyfriend na si Rico Yan kung nabubuhay pa iyon hanggang ngayon, na hindi naman pinalampas ng mga troll ng kalaban. Pero ipinagtanggol si Claudine ng nakababatang utol ni Rico.

Isipin ninyo iyon, hindi man lang nabanggit na siya rin ay kandidato. Pero hindi man nanalo ok lang iyon kay Claudine. Aktres naman siya talaga at hindi politician.

About Ed de Leon

Check Also

Darren Espanto abs

Darren ibinando ang abs, bagong image ihahataw

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng …

John Lloyd Cruz

John Lloyd tumanda ang hitsura 

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang hindi nakakilala kay John Loyd Cruz nang pumasyal ito sa isang museum …

Rose Lin Golden Gays

Rose Lin tuloy ang pagtulong kahit ‘di pinalad maging kongresista

RATED Rni Rommel Gonzales TAONG 2021 pa lamang ay nagpadala na si Rose Lin ng ayuda sa …

Heart Evangelista Pure Living Beauty

Heart mayaman na pero nagnenegosyo pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBUKAS ng beauty and wellness store si Heart Evangelista, ang Pure Living …

Jadine James Reid Nadine Lustre

James at Nadine nagkabalikan

MATABILni John Fontanilla KINILIG nang husto ang mga tagahanga nina James Reid at Nadine Lustre nang makita ang mga …