TINANGGAP nina Senadora Leila de Lima at Senador Francis “KIko” Pangilinan ang kanilang nominasyon mula sa Liberal Party (LP) para maging bahagi ng senatorial line-up nito para sa May 2022 elections.
Agad nagpasalamat sina De Lima at Pangilinan sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng partido para sa 2022 elections.
Tiniyak nina De Lima at Pangilinan na ipagpapatuloy ang kanilang sinimulan sa senado kapag muling nahalal sa 2022.
Bukod kina De Lima at Pangilinan, kasama rin sa nominasyon ng partido si dating Senador Bam Aquino, Senator Risa Hontiveros, at human rights lawyer Jose Manuel “Chel” Diokno. (NIÑO ACLAN)