Thursday , June 4 2026
Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul
PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), na nagpapaalalang habang ang mga programa sa renewable energy—mula sa solar rooftops hanggang sa iba pang teknolohiya—ay naipatupad na, kinakailangan ang mas mataas na kamalayan ng publiko upang bigyang kapangyarihan ang mga mamimili na pumili ng mga pinagkukuhaan ng kanilang enerhiya. (KUHA ni Gonzalismo Penkian Lubadahon II ang mga retrato)

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), na nagpapaalalang habang ang mga programa sa renewable energy—mula sa solar rooftops hanggang sa iba pang teknolohiya—ay naipatupad na, kinakailangan ang mas mataas na kamalayan ng publiko upang bigyang kapangyarihan ang mga mamimili na pumili ng mga pinagkukuhaan ng kanilang enerhiya. (KUHA ni Gonzalismo Penkian Lubadahon II ang mga retrato)

QUEZON CITY — Iginiit ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) na ang deklarasyon ng pambansang energy emergency ay malinaw na patunay ng kabiguan ng kasalukuyang balangkas ng enerhiya—kaya dapat ituon ang kaunlaran sa pangmatagalang katatagan at palakasin ang papel ng mga lokal na pamahalaan (LGUs) sa pagbuo ng konkretong solusyon para sa mamamayan.

Pinuna ng grupo ang nilagdaan ni Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 110 na nagdedeklara ng national energy emergency sa gitna ng pangamba sa suplay ng langis dulot ng digmaan ng US–Israel laban sa Iran. Kalakip nito ang UPLIFT framework bilang tugon ng pamahalaan, na pangungunahan ng Pangulo kasama ang mga gabinete sa mga pangunahing ahensiya.

Ayon kay Angelo Kairos dela Cruz, inilalantad ng krisis ang malalim na suliranin sa sektor ng enerhiya—lalo na ang labis na pagdepende sa inaangkat na fossil fuel at ang agarang pagpapasa ng pagtaas ng presyo sa mamamayan habang nananatiling protektado ang interes ng pribadong sektor.

Binigyang-diin ng ICSC na hindi sapat ang panandaliang tugon. Kailangan pabilisin ang paglipat sa renewable energy at putulin ang pag-asa sa fossil fuel upang mapababa ang singil sa koryente at mapatatag ang seguridad sa enerhiya.

Nanawagan din ang grupo ng reporma sa sektor ng transportasyon—isang sistemang nagsisilbi sa tao, hindi sa tubo. Dapat umanong tiyakin ang sapat na subsidiya, palakasin ang ugnay-ugnay na pampublikong transportasyon, at suportahan ang ligtas at abot-kayang alternatibong mobilidad.

Iginiit ng ICSC ang mahalagang papel ng LGUs sa pagharap sa krisis, sapagkat sila ang may pinakamalapit na ugnay sa komunidad.

Itinampok ang mga inisyatiba sa Quezon City sa people-centered transport, gayundin ang paggamit ng solar energy sa Guiuan at Paranas bilang mga modelong maaari nang palawakin sa buong bansa.

Dagdag ng organisasyon, kailangan sabay-sabay isulong ang seguridad sa enerhiya, pagpapalawak ng renewable energy, at sustenableng transportasyon bilang bahagi ng isang makatao at makabayang balangkas ng kaunlaran.

Binalaan ng ICSC na ang mga digmaang pandaigdig ay hindi lamang nagpapalala ng krisis sa enerhiya kundi nagpapabilis din ng pinsala sa klima, habang inililihis ang yaman at atensiyon mula sa mas malalang krisis na kinakaharap ng sangkatauhan.

Ang ICSC ay isang organisasyong nakabase sa Filipinas na nagsusulong ng makatarungan, makakalikasan, at solusyong mababa ang carbon para sa isang matatag at makatarungang kinabukasan. (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …