Wednesday , June 24 2026
Yul Servo

Yul at Direk Lav Diaz may reunion movie: ang tanda ko na, akala ko wala nang kukuha sa akin

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NOONG makakuwentuhan ko sa AIFFA (Asean International Film Festival & Awards) si direk Lav Diaz, nabanggit nito ang kasunod niyang proyekto pagkaraan ng  Magellan.

Si Yul Servo ang nasa isip niyang makasamang muli sa pelikula.

Kinokontak na ito sa e-mail at sa messages nang bumalik kami ng ‘Pinas. ‘Di sumasagot.

Kaya kalampag to the rescue. Although nagkausap na sila beforehand pa kaya nga ‘di maiwasang mabaliw ang mga tao sa look ni Yul na ang haba-haba ng buhok, hindi nag-aahit at mukhang ermitanyo.

Long story short, nagkausap na. Nakapunta na sa Sampaloc sa Quezon at doon na nagsarahan ng usapan.

Locked in ang cast and crew.

Tuwang-tuwa si Yul. Kasi nakuha ang inaasam na proyekto sa reunion nila ni Direk Lav matapos ang Batang West Side some 25 years ago.

Kaya naman panay ang kwento sa akin ni Yul ng mga ganap nila sa Sampaloc. Na minsan pa lang siyang bumalik ng Maynila.

Ang saya ko, ate. Kasi tiniis ko lahat sa paghihintay na tawagan uli ako ni Direk Lav. Salamat din sa ‘yo. Kasama ako sa movie (na tungkol sa kolonisasyon) si tito Ronnie (Lazaro. Period. Noong 1800s). Tapos may present. Na tungkol naman sa mga nangyayari ngayon.

“Si Bari-Bari ang karakter ko sa una. May ikalawa ‘yung nasa IT world naman ako na ang goal eh, ma-save ang mga tao.”

Walang pagka-inip kay Yul sa set ni direk Lav. Kapag nga raw ganitong break nila for a day, tumatakbo siya sa matulaing pook ng Sampaloc. 

Ang isa sa pinagkakaabalahan ko ngayon, ‘yung paggawa ng thoughts. Parang tula. Isinusulat ko. Mapapansin mo kapag nagwe-welding ako ng art pieces ko, may music sa background? Ako lang ang gumagawa niyon. Kaya itong mga naisusulat ko, hindi malayong malagyan ng tono.

“May points na rin kasi ate na feeling ko ang tanda ko na. Na baka wala ng kumuha sa akin eh, gusto ko pang umarte. Kaya nagpapasalamat ako kay direk Lav kasi hindi ako nawawala sa isip o sa listahan niya ng gusto pa rin makatrabaho.”

Prayers heard. Mission accomplished. Whispers heard.

Isa sa pinaka-down-ro-earth at mabait na alagad ng sining na nakilala ko itong si Yul. 

Ang dami naming throwback as his PR/publicist then.

One for the books ang pictorial namin sa Mun Nork Island in Rayong, Thailand a long time ago with the late Raymund Isaac

Kaya sisingkit na lalo ang mata niya kapag sinabi kong ang pictorial na lumabas in a sexy magazine is still with me.

Dalawa kami niyong big bird na ‘yun sa isla na muntik na siyang tukain na pinagtatawanan namin lagi.

Yes! Aarte pa ang Lolo niyo. At sa isang colossal film na naman from the great Lav Diaz. 

Abang-abang na ha! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …