Tuesday , June 30 2026
Robb Guinto Yasser Mata

Yasser at Robb ‘nagkaigihan‘ sa nagbabagang eksena: roon ako nahulog sa kanya

ni Allan Sancon

HINDI nagpaka-plastik si Yasser Marta sa pag-amin na ibang level ang pinagdaanan niya sa pelikulang Desperada

First time niyang sumabak sa maiinit na love scenes, kaya hindi raw biro ang adjustment.

Sa kabila nito, naging malaking tulong sa kanya si Robb Guinto na ayon sa aktor ay naging sandigan niya sa bawat eksena. 

“Ito, very conventional sa akin, siyempre first time kong gumawa ng love scenes at inalalayan ako ni Robb. Doon ako nahulog sa kanya. Sana ma-enjoy n’yo ‘yung bawat eksena namin,” natatawang pagbabahagi ni Yasser.

Hindi rin itinago ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon off-cam. Sa tanong kung kumusta sila ngayon, game na game si Yasser sa pagsagot.

“Masaya, masayang masaya kami… Masaya, nasa honeymoon stage pa rin.”

Ayon pa sa kanila, nasa apat na buwan na ang kanilang relasyon at patuloy itong tumitibay.

Mariin din nilang itinanggi na promo lamang ito para sa pelikula—bagkus, dito (Desperada) talaga nagsimula ang kanilang tunay na pagtitinginan habang ginagawa ang proyekto.

Pagdating sa kanilang mga eksena, hindi nagpahuli si Robb sa pagiging prangka. Sa tanong kung paano nila ilalarawan ang kanilang love scenes, pabirong sagot niya, “Nag-iinit, nagliliyab!” habang si Yasser naman ay mas simple pero makahulugan ang sagot: “It’s love.” 

At totoo nga—hindi maikakaila na umaapaw ang chemistry ng dalawa sa bawat eksena, lalo’t nadagdagan pa ito ng komplikasyon dahil sa love triangle nila kasama si Mhack Morales.

Pero higit pa sa init ng katawan ang iniaalok ng Desperada. 

Kapansin-pansin ang lalim ng istorya nito na tumatalakay sa mental health, komplikasyon ng relasyon, at kahalagahan ng pamilya. Hindi lang ito basta sensual film—isa itong emosyonal na byahe na magpapaisip at magpaparamdam sa manonood. 

Isa itong patunay na kaya pagsamahin ang matinding passion at makabuluhang mensahe sa iisang pelikula.

Pinaka-namumukod-tangi sa pelikula ang pagganap ni Robb bilang Brenda. 

Para sa maraming nakapanood, ito na ang pinakamahusay niyang performance sa kanyang karera. Ramdam ang bawat emosyon—mula sa sakit, galit, hanggang sa pagnanais na mahalin at mahalin pabalik. Hindi malayong umani siya ng nominasyon—o panalo pa—bilang Best Actress. 

Samantala, hindi rin nagpahuli si Yasser bilang Lucio, lalo na sa kanilang matitinding confrontation scenes na tiyak magpapakapit sa upuan ng manonood.

Hindi rin matatawaran ang husay ng iba pang cast members na nagbigay-buhay sa pelikula. Bawat karakter ay may bigat at ambag sa kwento, dahilan para mas maging makatotohanan at engaging ang kabuuan ng pelikula. Sa direksyon, cinematography, at musical scoring, kapansin-pansin ang kalidad na swak sa panlasa ng modernong manonood.

Mapapanood ang Desperada sa Gateway 2 bilang bahagi ng Sinag Maynila 2026 na ginaganap mula March 23 hanggang March 29, 2026. 

Kung hanap mo ay pelikulang hindi lang basta nagpapainit kundi nagpapaisip at nagpaparamdam—huwag mong palampasin ang Desperada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Vice Ganda Sexbomb White Party

Vice Ganda pasabog sa White Party Manila; Sexbomb pinarangalang Gay Icon of the Year

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKALULULA ang laki at napakagarbo ng pagdiriwang ng White Party Manila Pride …

Dingdong Dantes The Master Cutter

Dingdong series mapapanood sa 4 na channels

I-FLEXni Jun Nardo HINDI lang isa o dalawang free TV channels mapapanood mamayang gabi ang The …

The Next Big Star JN

8 finalists ng The Next Big Star ng Viva iniharap sa media  

I-FLEXni Jun Nardo “FAME can blind you! Huwag kayo magbabago,“ payo ni Cristine Reyes sa walong finalists ng The …

Cecille Bravo

Mga natatanggap na parangal, handog sa mga mahal sa buhay ni Ms. Cecille Bravo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BINIGYANG muli ng parangal si Ms. Cecille Bravo bilang isa sa Top 20 …

Andrew E PMPC Star Awards for Music

Andrew E., dumanas ng higit 500 rejections, ganap nang isang icon ngayon, pinarangalan pa ng Lifetime Achievement Award for Music

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG natatanging pagpupugay at pagkilala ang iginawad sa nag-iisang “King …