Sunday , December 4 2022

Sen. Bong Go atras sa VP race
SARA DUTERTE TATAKBONG VICE PRESIDENT

ni ROSE NOVENARIO UMATRAS sa kanilang re-election bid bilang mayor at vice mayor ng Davao City ang magkapatid na Sara at Sebastian Duterte sa 2022 elections. Si Sebastian ay nag-substitute sa kanyang ate bilang mayoralty bet habang si Chief Presidential Legal Counsel Melchor Quitain ang pumalit sa kanya bilang vice mayoralty candidate ng lungsod. Ayon sa malapit na kaibigan ni Sara na si Atty. Bruce Rivera, malabo nang tumakbong presidential bet at pagiging bise-presidente na ang target ng alkalde. May natanggap umanong impormasyon si Rivera na may mga tao ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nasa Davao City pero hindi malinaw ang kanilang pakay sa siyudad. “She has always told me time and time and time again na she’s not running for president but ‘yung vice naging mas open siya,” ani Rivera sa panayam sa Frontline Pilipinas sa News5 kagabi. Matatandaang ipinangako ni Sara kay Marcos ang suporta ng kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago sa presidential bid ng anak ng diktador sa kanilang pag-uusap sa Cebu City kamakailan. Kapag natuloy ang pagsabak ni Sara sa VP race ay makatutunggali niya ang longtime aide ng kanyang ama na si Sen. Christopher “Bong” Go. Ngunit sa kanyang talumpati sa Antipolo City kahapon, tila naging emosyonal si Go na nagpahiwatig ng kanyang pag-atras bilang vice presidential candidate ng PDP-Laban. “Maaaring may mga pagbabago sa mga tatakbo sa posisyon sa mga darating na araw. Ang problema po riyan, kailangan ko umiwas. Gusto ko man magsilbi sa inyo bilang bise presidente dahil sa kagustuhan ng ating mahal na pangulo, kailangan ko pong umiwas. Malalaman n’yo po iyan sa darating na araw,” sabi niya sa talumpati sa Malasakit Center monitoring visit sa Antipolo City.

ni ROSE NOVENARIO

UMATRAS sa kanilang re-election bid bilang mayor at vice mayor ng Davao City ang magkapatid na Sara at Sebastian Duterte sa 2022 elections.

Si Sebastian ay nag-substitute sa kanyang ate bilang mayoralty bet habang si Chief Presidential Legal Counsel Melchor Quitain ang pumalit sa kanya bilang vice mayoralty candidate ng lungsod.

Ayon sa malapit na kaibigan ni Sara na si Atty. Bruce Rivera, malabo nang tumakbong presidential bet  at pagiging bise-presidente na ang target ng alkalde.

May natanggap umanong impormasyon si Rivera na may mga tao ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nasa Davao City pero hindi malinaw ang kanilang pakay sa siyudad.

“She has always told me time and time and time again na she’s not running for president but ‘yung vice naging mas open siya,” ani Rivera sa panayam sa Frontline Pilipinas sa News5 kagabi.

Matatandaang ipinangako ni Sara kay Marcos ang suporta ng kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago sa presidential bid ng anak ng diktador sa kanilang pag-uusap sa Cebu City kamakailan.

Kapag natuloy ang pagsabak ni Sara sa VP race ay makatutunggali niya ang longtime aide ng kanyang ama na si Sen. Christopher “Bong” Go.

Ngunit sa kanyang talumpati sa Antipolo City kahapon, tila naging emosyonal si Go na nagpahiwatig ng kanyang pag-atras bilang vice presidential candidate ng PDP-Laban.

        “Maaaring may mga pagbabago sa mga tatakbo sa posisyon sa mga darating na araw. Ang problema po riyan, kailangan ko umiwas. Gusto ko man magsilbi sa inyo bilang bise presidente dahil sa kagustuhan ng ating mahal na pangulo, kailangan ko pong umiwas. Malalaman n’yo po iyan sa darating na araw,” sabi niya sa talumpati sa Malasakit Center monitoring visit sa Antipolo City.

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …