Boobay Tekla Kelvin Miranda Robb Guinto

Kelvin at Robb magpapa-init ngayong Linggo

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAKIKI-RIOT sa TBATS on the Go sina Kelvin Miranda at Robb Guinto this Sunday, March 29. Kasama ang hosts at well-loved comedy duo na sina Boobay at Tekla, muli silang mag-iikot sa mga kalye para sa nakatatawang kwentuhan kasama ang masang Pinoy.

Asahan ang mga kwela at “out-of-this-world” na sagot ng mga ate at kuya sa segment na “Trivia on the Go.” Magpapaunahan naman ang pitong contestants na hulaan ang nawawalang salita sa mga kasabihan at iba pang famous quotes sa “Sabeh?!?” 

Sumakses naman kaya ang dalawang talented students na pahalakhakin ang sexy actress na si Robb sa “Battle of Bida-Bidas?” Samantala, mate-test ang charm ni Kelvin sa challenge na magbenta ng sampung mangga sa loob lang ng tatlong minuto.