GMA Kapuso Foundation

GMA Kapuso Foundation tuloy paghatid ng tulong

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHIT ilang buwan na ang nakalipas mula nang naminsala ang Super Typhoon Uwan sa mga kababayan natin sa Viga at San Miguel sa Catanduanes, tuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF). 

Sa pagkakataong ito, isinagawa ng GMAKF ang Silong Kapuso: Handog Bubong, Handog Pagmamahal. Sa ilalim ng proyektong ito, namahagi ang GMAKF ng mga yero at roofing materials para sa mga 111 na tahanan na lubhang apektado ng Super Tyhpoon Uwan. Inaasahan na bukod sa pagbabahagi ng mga materyales na magagamit para sa paggawa ng matibay na silong at proteksiyon ay unti-unting makababangon muli ang mga kababayan nating  Catandunganon. 

Para sa mga nais mag-abot ng donasyon, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.