Thursday , June 4 2026
Mon Confiado Ang Bangkay

Mon Confiado nanghinayang sa Ang Bangkay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

DUMALO sa Gala Night ng Ang Bangkay noong Miyerkoles si Mon Confiado na ginawa sa Gateway Cinema 18. Ang magaling na aktor pala ang dapat bida at gaganap sa karakter na ginampanan ni Atty. Vince Tanada, ang karakter ni Don Segismundo Corintho, isang embalsamador na nabyudo. 

Sa Talk Back pagkatapos ng screening ng Ang Bangkay, naibahagi ni direk Vince na ang aktor na si Mon dapat ang gaganap sa karakter na ginampanan niya. Nagkaroon lamang ng conflict kaya hindi iyon natuloy.

Kaya naman agad namin tinanong ang premyadong aktor ukol dito.

“Hindi ko maalala (bakit hindi natulouy) mayroon akong conflict. Umoo na ako,” paglilinaw nito ukol sa pelikulang Ang Bangkay.

Sinabi ni Mon na alam niyang may frontal nudity ang pelikulang inialok sa kanya noon at tinanggap naman niya. Hindi lang sila natuloy dahil may kasabay na pelikulang ginagawa niya.

“ Sa exposure, umoo na ako roon. Walang problema sa akin. Kasing lawak naman ng kumbaga artist tayo kaya kasing lawak ng isip ni direk ang isip ko rin. Kahit sa theater ginagawa ko rin iyan, mga time na nagte-theater ako.

“Hindi iyon big issues sa akin (paghuhubad). Nagkaroon lang talag ng conflict. Mayroon akong isang pelikula kay direk Paul Soriano, ang ‘The Fisher’ na hindi pa nari-release na ako rin ang lead. Naka-lock in pa ako sa Ilocos at nagsabay ito. Parang namili ako. Siyempre kumbaga si Ricky Gallardo ang kausap nila at parang nauna iyon,” paliwanag ng aktor.

Aminado naman si Mon na may panghihinayang na hindi napunta sa kanya ang proyekto ng Ang Bangkay.

“In a way oo, ang ganda, ang galing eh. Mahilig ako sa ganitong klaseng pelikula. 

“To be honest habang pinanonood ko ang pelikula nai-imagine ko kung ako ‘yun eh. Of course iba lang ang atake ko, pero ang ganda ng character eh. Ang ganda niyong script. Ang dami kong naiisip habang pinanonood ko siya (pelikula).” 

Sakaling natuloy siyang magbida sa Ang Bangkay ito sana ang kauna-unahang may frontal nudity si Mon. 

Sakaling alukin siyang gawin ito in the future, sinabi ni Mon na, “Ngayon may pagdadalawang-isip na ako, parang tumatanda na kasi ako,” natatawang katwiran nito.

“Pero … oo naman kung ganitong klase baka gawin ko pa rin kung magkakaroon ng opportunity. Tama pipiliin ko na.

“Iyong sagot ko kasi kanina na parang basta may alok agawin ko ba? Mas pipiliin ko katulad ng ganito ang tamang sagot,” paglilinaw ng aktor.

At dahil napanood ni Mon ang pelikula natanong ito kung anong eksena ang tumatak sa kanya.

“Actually si Atty. Vince ang naaalala ko sa lahat eh, iyong atake niya. Iyong atake niya kung paano siya magsalita ng mahahaba. Iyong tuloy-tuloy, walang hinga, ibang-iba. 

“Gusto ko rin iyong pagka-dark niya. Although medyo karima-rimarim, ang hirap niyong tema…anak niya iyon, ganoon siya kabaliw. Walang dalawang isip, gusto ko nga iyon.

“Sana lang mas mapanood pa ng marami para matanggap na ang ganitong klase ng theme o genre kasi umiikot lang tayo sa romcom,” wika pa ng aktor.

Idinagdag pa ni Mon na, “Panoorin ninyo itong ‘Ang Bangkay,’ ibang theme, ibang genre. Dark siya, medyo may pagkakakaibang kuwento, pero may aral pa rin. Maganda ang execution, maganda, unique.”

Sinabi naman ni Atty. Vince na magkakaroon ng nationwide release ang Ang Bangkay sa mga darating na araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …