Thursday , June 4 2026
Sipat Mat Vicencio

Datem, DMCI at iba pang major construction firms tutulong kay PBBM

SIPAT
ni Mat Vicencio

INAASAHANG magiging maayos at matino ang pagpapatupad ng susunod na malalaking infrastructure projects sa bansa sa pagpasok ng major construction companies sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Inimbitahan tayo ng group of the quadruple-A contractors, ‘yung malalaki talagang kompanya na hindi typically sumasali sa DPWH at nakita nila ‘yung mga plano ng Pangulo. Inexpress nila ‘yung kagustuhan nilang tumulong at mag-participate,” pagbubunyag ni DPWH Secretary Vince Dizon.

Ilan sa malalaking construction companies na nakipagpulong kay Dizon kamakailan ay DATEM, DMCI, EEI, AG&P, Magawide, Sta. Clara, Makati Development Corporation/Ayala, Hillmarc’s Construction Corporation at iba pa.

Tututukan ng mga major construction companies ang mga pangunahing infrastructure projects ng pamahalaan lalo na ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway at konstruksiyon ng mga classroom sa buong bansa.

Kung tutuusin, kaya hindi sumasali ang mga major construction companies sa mga government projects ay dahil umiiwas sa malaganap na korupsiyon sa gobyerno lalo na sa mga isinasagawang proseso ng bidding.

“Yung totoo, hindi nila ma-take ‘yung corruption. Hindi sila papasok sa ganun. Pero ngayon, nakikita nila na, through the effort of the PBBM administration, meron mga pagbabagong nangyari,” paliwanag ni Dizon.

Sa pagpasok ng malalaking construction firms, inaasahang hindi na mangyayari ang tinatawag na ‘patsi- patsing’ trabaho sa mga kalsada na gagawin sa Maharlika Highway. Ang humigit kumulang sa 3,000-kilometer highway ay sakop ang ilang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

                Ang rehabilitasyon ng nasabing highway ay magsisimula ngayong taon.

Sabi pa ni Dizon, “Meron sila nung financial capability at technical expertise na talagang mag-implement ng project na maayos. They will never compromise quality at hindi sila made-delay.”

Dagdag pa ni Dizon, “We’re looking at four to five contractors. ‘Yung parte ng Region 4A, mostly sa Quezon, ‘yung Andaya highway, kasama na rin ang parts of Albay, Samar, pero napakahaba ng Samar nakita naman natin, baka ‘yun bibiyakin pa ‘yun further.”

Kabilang din sa tututukan ng mga major construction companies ang pagsasaayos ng tinatawag na classroom backlog na umaabot na sa ngayon na 165,000.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …