Megan Young Mikael Daez Leon BTS

Megan at Mikael nanood ng concert ng BTS sa Korea 

MATABIL
ni John Fontanilla

LUMIPAD ng South Korea ang mag asawang Megan Young at Mikael Daez kasama ang kanilang anak na si  Leon para manood ng comeback concert ng BTS.

Ibinahagi ni Megan sa kanyang Instagram ang mga larawan habang nasa airport at may caption na, “I am over the moon to just be in Seoul with my family and then I get to watch OT7 live for the first time ever.”

Bakasyon at bonding na rin ito nina Megan at Mikael kasama ang kanilang anak na si Leon.