Thursday , June 4 2026
Swiss Knife Blood

18-anyos na estudyante patay sa saksak, tatlo arestado

SA isinagawang hot-pursuit operation ng kapulisan ay matagumpay na naaresto ang tatlong kalalakihan, kabilang ang dalawang menor de-edad, kaugnay sa pagpatay sa isang 18-anyos na lalaking estudyante sa Brgy. Caingin, Lungsod ng Malolos, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ang agarang pagkakaaresto sa mga suspek ay naisakatuparan sa pamamagitan ng mabilis at epektibong aksyon ng Malolos PNP sa ilalim ng pamumuno ni PLt.Colonel Rommel E Geneblazo, chief of police, katuwang ang Bulacan PPO SWAT Team.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na ang mga suspek at ang biktima ay kapwa sangkot sa naganap na suntukan malapit sa Caingin Elementary School dakong alas-10:00 ng gabi.

Sa kasagsagan ng insidente, isang menor de-edad na suspek na kinilala sa alyas “John” ang sinasabing bumunot ng patalim at sinaksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng tiyan, na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Sa kasalukuyan, ang isang suspek ay nasa kustodiya na ng Malolos CPS para sa kaukulang pagsasampa ng kaso, habang ang dalawang (2) menor de-edad ay itinurn-over sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Malolos para sa tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …