Raheel Bhyria

Raheel Bhyria 1 taon pa bago tuluyang gumaling sa aksidente sa basketball

RATED R
ni Rommel Gonzales

NASA maayos na kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling na si Raheel Bhyria nang maaksidente sa isang basketball game.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Raheel  na nagkaroon siya ng torn anterior cruciate ligament o ACL, torn meniscus, at torn medial collateral ligament o MCL.

Pagbabahagi pa ng Sparkle artist, malamang ay abutin ng hanggang 12 buwan ang proseso ng kanyang recovery at healing.

Dahan-dahan nang sinimulan ni Raheel ang mga pisikal na aktibidades gaya ng boxing, running, at pagpunta sa gym sa mga nakaraang buwan.

Don’t let anybody tell you ‘you can’t,’” caption ni Raheel na napapanood sa Never Say Die ng GMA.