Thursday , June 4 2026
Gigi De Lana

Gigi de Lana drama raw pagkahimatay? Promoter desmayado 

MA at PA
ni Rommel Placente

TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay sa kanyang recent gig sa Samal Island, Davao?

Isa kasi ang dalaga sa mga naging hot topic sa Ogie Diaz Showbiz Update na may chikang nagparating sa kanila na disappointed ang promoter sa dalaga dahil sa maraming bagay.

Mayroon raw nakarating sa kanila na nagdadrama lang daw ang singer at tila intensyonal ang ginawa para hindi makadalo sa courtesy call sa mayor.

Bukod pa rito, ang dami raw kasama ni Gigi na umabot sa 18.

Wala pa raw one hour nang isalang ang singer nang mahimatay ito ngunit wala raw magawa ang promoter dahil emergency ang sitwasyon ngunit marami ang nagtatanong kung scripted lang ang pagkahimatay nito dahil nakaabang na agad ang kanyang team at tila walang pagpa-panic nang mawalan ng malay ang dalaga.

Nagtataka rin daw ang promoter kung bakit sa service van dinala si Gigi at hindi sa ambulansya. Bukod pa rito, nang maka-recover ang dalaga ay bumalik na ito sa hotel nang naka-wheel chair.

Bukas ang aming kolum sa paliwanag ni Gigi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …