Wednesday , May 14 2025

Crucifix sa ospital pinaaalis (Marcoleta binatikos)

BINATIKOS ng netizens ang panukala ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta kaugnay sa pagnanais na alisin ang “crucifix” sa lahat ng kuwarto ng ospital.

Nakapaloob sa House Bill No. 4633 na, “making the hanging of religious mementos, such as crucifixes, in hospital suites optional.”

Aalisin ang “crucifix” sa mga kuwarto ng ospital at hayaan na lang ang mga pasyenteng magpasya kung nais maglagay ng krus.

Dahil dito, mahigpit na tinutulan ng netizens partikular ng mga katoliko ang kawalang-galang ni Marcoleta sa relihiyon batay sa kanya-kanyang paniniwala ng bawat isa.

“Why is Marcoleta afraid of the crucifix? This shrewd subtle irony is the work of Satan,” ayon sa  columnist na si Bernie Lopez na iginiit na labag sa Saligang Batas ang naturang panukala alinsunod sa ginagarantiyang freedom of religion.

Si Lopez ay kabilang sa mga tumututol sa HB 4633, isang panukala na mistulang anti-Catholic at anti-prayer.

“Raises serious interfaith issues” ang naging paliwanag ni Marcoleta hinggil sa presensiya ng krus sa mga kuwarto ng ospital na parang ipinaaalala umano ang mga sakit.

“Foments conflict where there is none, emphasizing divisiveness rather than coexistence,” anang mambabatas sa kanyang panukala.

Gayondin, iginiit ni Marcoleta na maaari rin hilingin ng mga non-Catholic na pasyente na alisin ang Krus sa kanyang kuwarto.

Si Marcoleta na kumakatawan sa urban poor ay umamin na tinitingnan niya ang interes ng INC na hindi kinikilala ang Krus dahil isa umano itong sumpa na naging instumento ng pagkamatay ni Kristo sa krus.

Ang nasabing panukala ay inihain noong isang taon na muling nabigyan pansin bunsod na rin sa papel na ginampanan ni Marcoleta sa pagbasura sa prankisa ng ABS-CBN at sa pagpupursigi na ma-takeover ang pasilidad ng network.

Sinasabing kabilang ang Iglesia ni Cristo sa bumabatikos laban sa ABS-CBN dahil sa malawakang coverage na ginawa sa pamilya Manalo. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *