Wednesday , December 25 2024

75% Pinoys pabor sa balik-ere ng ABS-CBN

TATLO sa apat na Pinoy, gustong maibalik sa ere ang ABS-CBN sa pama­magitan ng bagong prankisa na hinarang ng 70 kongresista sa Mababang Kapulungan.

Base ito sa datos na lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na pinag­haha­wakang pundasyon ngayon ng anim na miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na humihiling na payagang pagbotohan sa plenaryo ang desisyon.

Sa nasabing survey na isinagawa mula 3 Hulyo hanggang 6 Hulyo, nabatid na 13 porsiyento ng  respondents ang nagsabing hindi na kailangang bigyan ng panibagong prankisa ang giant network at 10 percent naman ang nananatiling undecided.

Ayon kay Rep. Carlos Zarate ng Bayan Muna at isa sa miyembro ng grupo, hiniling niya sa chairman ng legislative franchises committee na isumite ang desisyon sa 305-member ng House plenary upang maratipikahan sa lalong madaling panahon.

Kung pagbabasehan natin ang survey, nanga­ngahulugan na 75 porsiyento ng mga Filipino ang nagnanais na bigyan ng panibagong prankisa ang ABS-CBN.

Aniya, kung kuwestiyonable ang resulta ng survey para sa ilang miyembro ng komite, maaaring maresolba ito sa plenaryo upang  mabatid kung papabor ba ang desisyon ng buong kapulungan sa tinig ng mamamayan.

Ito ang nilalaman ng liham na ipinadala ni Zarate kay Chairman Franz Alvarez  na nilagdaan din nina Reps. Ferdinand Gaite, Eufemia Cullamat, kapwa ng Bayan Muna; France Castro ng ACT Teachers; Arlene Brosas ng Gabriela; at Sarah Elago ng Kabataan party-list.

Malinaw, anila na binalewala sa report ng technical working group ang mga testimonya ng mga ahensiya ng gobyernong tinawag sa pagdinig na nagpatunay na walang nilabag na anumang batas ang ABS-CBN.

Kabilang ang mga ahensiyang ito ang Department of Justice (DOJ), ang Bureau of Immigration (BI), Bureau of Internal Revenue (BIR), Securities and Exchange Commission (SEC), Department of Labor (DOLE), Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) at ang MTRCB.

Ayon sa anim na mambabatas, bagaman kuwestiyonable at kaduda-duda ang inilabas na report ng TWG, inaprobahan pa rin ito ng komite na naging dahilan upang maibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN.

Sinabi ni Zarate, marami sa 305 kongre­sista ang pabor na pag­debatehan sa plenaryo ang naging desisyon ng komite sa pangunguna nina Reps. Vilma Santos-Recto, Edcel Lagman, at Lito Atienza.

Posible namang maisakatuparan ang kahilingang ito ng mga mambabatas, sapagkat mismong si House Speaker Alan Peter Caye­tano na ang nagsa­bing, bagaman hindi pa nang­yari na isumite sa ple­naryo ang isang committee decision, maaari pa rin itong isagawa dahil may kapangyarihan ang plenaryo na ipatupad ito.

Mababatid na muling magbubukas ang sesyon ng kongreso sa Lunes, 27 Hulyo, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte. (NIÑO ACLAN)

 

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *