PINAYOHAN ni Senadora Nancy Binay ang communications group ni Pangulong Rodrigo Duterte na masusing pag-aralaan ang late night public address ng Pangulo.
Ayon kay Binay, tila hindi yata ganap na naipararating sa publiko ang tunay na plano ng Palasyo at kalagayan ng ating bansa laban sa pandemyang COVID 19.
Naniniwala si Binay, tutal naman ay ‘taped’ at hindi ‘live’ ang late night public address ay maaari pang magawan ng paraan kinabukasan kapag isinahimpapawid.
Iginiit ni Binay, lahat ng equipment o gamit ay mayroon ang pamahalaan para ma-improve ang late night telecast ng Pangulo.
Ani Binay, hindi makatuwiran na hindi makatatanggap ng tama at malinaw na impormasyon ang taong bayan na maaari namang i-rephrase ang ilang bagay sa ‘late night public address.’
Hindi rin nakaligtas kay Binay ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ‘nananalo na tayo laban sa COVID-19.’
Binigyang-diin ni Binay, dapat, ang totoong datos at kalagayan ay hindi mapanlinlang na pahayag. (NIÑO ACLAN)