IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go ang kaibahan ng Hatid Tulong at Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa o BP2 program ng gobyerno.
Ipinaliwanag ni Go, sa ilalim ng BP2 program na ang EO ay pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte, binubuo ito ng council na may 17 ahensiya ng gobyerno na mayroong short-term at long term na.
Sa kasalukuyan ay suspendido ang BP2 dahil inatasan ni Pangulong Duterte na iuwi muna ang mga nabinbin na overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang locally stranded individuals (LSIs).
Kaugnay nito, inilinaw ni Go na itutuloy ang BP2 program kapag handa na ang LGUs na tanggapin ang mga benepisaryo.
Samantala, pinaalalahanan ni Go ang IATF na tutukan ang mga hindi awtorisadong biyahe na hindi sumusunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa ng COVID-19.
Dagdag ni Go, patuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga uuwing OFWs. (NIÑO ACLAN)