Friday , November 15 2024

Pagtaas ng SSS pension itinutulak ni Sen. Trillanes

MULING inihain ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang panukulang naglalayong itaas ang kasalukuyang halaga ng Social Security System pension o ang Senate Bill No. 91.

Ani Trillanes, “May 19 na taon na nang huling maitaas ang SSS pension sa pamamagitan ng Republic Act 8282. Naisabatas ito kasabay ang pagtaas ng cost of living expenses sa bansa, ang kakarampot na nakukuha ng ating mga SSS pensioners, na matatanda at kadalasang may sakit, ay hindi na sapat upang suportahan ang kanilang pamumuhay para makabili ng pagkain at gamot. Higit pa rito, ang mga pensioner na nagretiro matapos maipasa ang RA 8282 ay mas naghihirap dahil sa mas maliit na pension na kanilang nakukuha.”

Sa ilalim ng SBN 91, ang lahat ng SSS pensioners ay makakukuha ng dalawang libong pisong across-the-board na pagtaas sa pension, kailan man ang taon ng kanilang pagreretiro.

( NIÑO ACLAN )

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *