Friday , September 22 2023

Mayor Binay sinibak ng Ombudsman

101015 ombudsman carpio-morales binay

INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang dismissal kay suspended Makati Mayor Junjun Binay.

Ito ang ibinabang utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nitong Biyernes ng hapon.

May kinalaman ito sa kasong administratibong kinakaharap ni Binay kaugnay sa maanomalyang Makati City Hall parking building.

Paliwanag ng Ombudsman, malakas ang ebidensiyang nag-uugnay sa alkalde sa kontrobersiya sa kontrata ng parking building kaya dismissal ang desisyon sa kanyang “grave misconduct at serious dishonesty.”

Dahil dito, hindi na makatatanggap ng mga benepisyo si Binay bilang alkalde ng Makati City tulad ng retirement, sweldo at iba pang mga bonus.

Ayon sa Ombudsman, maaaring maghain ng motion for reconsideration (MR) ang kampo ni Binay sa Court of Appeals o Supreme Court (SC) ngunit epektibo na ang dismissal sa kanya.

Anang Ombudsman, sigurado nang natanggap ng kampo ni Binay ang kanilang desisyon kaya ‘effective immediately’ ang pagpapatalsik.

Sinuspinde si Binay sa ikalawang pagkakataon dahil sa overpriced na Makati Science High School.

Hindi pa masiguro kung makatatakbo pa siya sa 2016 at kung makapaghahain pa ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo.

‘DAANG MABILIS’ NI VP BINAY INUPAKAN NG PALASYO

101015 Binay valte pnoy

MINALIIT ng Palasyo ang inilalakong “Daang Mabilis” ni Vice President Jejomar Binay bilang 2016 presidential bet.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, subok na ang “Daang Matuwid” na pamamahala sa gobyerno na ipinamalas  ni Pangulong Benigno Aquino III.

Napatunayan na aniya ng “Daang Matuwid” ang tapat at malinis na pamamahala at hindi ibinubulsa ang pera ng bayan.

“Doon sa daang mabillis. Alam mo ilang beses nang sinabi ito ni Pangulong Aquino na at least ‘yung daang matuwid subok na ‘di ba? Subok na matapat ‘yung pamamahala at subok na malinis ‘yung pamamahala at sigurado ho tayong sa tao napupunta ‘yung benepisyo hindi ho sa bulsa ng politiko,” paliwanag ni Valte.

Sa ginanap na Go Negosyo presidential series ay inihayag ni Binay na kapag siya ang pinalad na manalong pangulo sa 2016 elections ay isusulong niya ang Daang Mabilis upang maging epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa taumbayan sa mabilis na pamamaraan.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *