Friday , December 8 2023

3 batang mag-uutol minasaker sa Batangas

MINASAKER ang tatlong batang magkakapatid sa isang apartment sa Lipa City, Batangas at natagpuan ang kanilang bangkay dakong 8 a.m. kahapon.

Ayon kay Lipa City police chief, Superintendent Carlos Barde, ang mga biktima na edad 10, 8, at 7 ay pinatay sa pamamagitan ng pagpalo ng matigas na bagay.

Iniwan ang mga bata ng kanilang lola dakong 1:30 a.m. upang bantayan ang kanyang tindahan sa public market na 200 metro lamang ang layo mula sa apartment sa San Nicolas Street, Brgy. Balintawak.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, may isang lalaki na umalis ng apartment dakong 3am.

Sinasabing niransak ang apartment ngunit walang mahahalagang bagay na nawala.

Sa ngayon, bumuo na ng special probe team ang pulisya para imbestigahan ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan jail guard, sumailalim sa skills at competence seminar

Bulacan jail guard, sumailalim sa skills at competence seminar

SA paghahangad na mapataas ang kanilang kahusayan at mas mapabuti ang kanilang mga kakayahan, nagsagawa …

Bulacan Police PNP

Sa 2 araw police ops sa Bulacan
P.2-M ILEGAL NA DROGA NAKUMPISKA, 13 TULAK ARESTADO; 4 PANG PASAWAY INIHOYO

LABING-PITONG indibiduwal ang sunod-sunod na naaresto sa dalawang araw na anti-criminality operations ng Bulacan police …

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *