Thursday , November 30 2023

15-anyos nabaril ng 13-anyos pinsan

ZAMBOANGA CITY – Nasa kustodiya na ng pulisya ang 13-anyos binatilyo na aksidenteng nakabaril sa 15-anyos dalagita sa Magay St., Brgy. Zone 4 sa Zamboanga City kamakalawa.

Sa imbestigayson ng pulisya, ang baril na ginamit sa insidente ay pag-aari ng isang kasapi ng Philippine Navy na kinilalang si Sgt. Edris A. Mukattil, 37, residente nang nabanggit na lugar.

Nabatid na pinakialaman ng binatilyo ang baril sa lalagyan nito at aksidenteng nahawakan ang trigger kaya pumutok ito habang nasa harapan niya ang biktimang kanyang pinsan.

Patuloy na ginagamot sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC) ang sugatang dalagita.

Habang isinailalim sa imbestigasyon ang sundalong may-ari ng baril para alamin kung ano ang kanyang naging pagkukulang na nagresulta sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …

shabu drug arrest

2 tulak timbog sa P68-K shabu

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buybust …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *