Wednesday , June 24 2026

P.2-M droga nakompiska sa checkpoint sa Lucena

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang mangingisda makaraan makompiskahan ng ilegal na droga sa checkpoint operation ng mga awtoridad sa Lucena City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Florencio Delos Angeles, 43-anyos.

Nakuha sa pag-iingat ni Delos Angeles ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may laman ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa mahigit 20 gramo ng ilegal na droga ang nakuha sa suspek na may P200,000 market value.

Agad dinala sa Quezon Provincial Crime Laboratory ang mga ebidensiya maging si Delos Angeles para isailalim sa laboratory at urine test examination.

Pansamantalang nakakulong ang naturang mangingisda sa Lucena City Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug of 2002.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …