Monday , November 29 2021

Grade 2 pupil 2 taon parausan ng stepfather

ARESTADO ang isang tricycle driver makaraan ang dalawang taon na pagpaparaos sa kanyang 12-anyos stepdaughter sa Bocaue, Bulacan.

Ayon sa ulat, nakatakas ang biktima at nakapagsumbong sa pulisya nang muling pagtangkaang halayin ng suspek na si Ronald Busadre alyas Ado, 35, sa kanilang bahay sa Brgy. Poblacion ng nabanggit na bayan.

Nabatid mula kay Supt. Ganaban Ali, Bocaue police chief, dakong 7 p.m. kamakalawa nang muling pagtangkaang gahasain ng suspek ang dalagita.

Ngunit nakatakbo ang biktima at nagsumbong sa kanyang ina tungkol sa ginawang kahalayan ng suspek sa kanya.

Lumitaw sa ulat, taon 2013 nang simulang halayin ng suspek ang biktima na anak ng kanyang kinakasama, sa tuwing silang dalawa lamang ang naiiwan sa kanilang bahay.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat …

Leave a Reply