Thursday , December 9 2021

Bakit ngayon lang Jojo?

EDITORIAL logoGANITO ang tanong ng marami nang magbitiw si Vice President Jojo Binay at magpakawala nang kaliwa’t kanang banat laban sa administrasyong Aquino na mahigit limang taon din niyang pinakinabangan.

‘Manhid at palpak’ ang matatalas na deskripsyon na ibinigay ni Binay patungkol sa administrasyong Aquino.

Anong lakas ng loob meron itong si Binay na sabihin ang mga binitiwang salita laban sa administrasyong Aquino na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na magkaroon nang silbi. At hindi ba niya naisip na ang patamang ito sa administrasyon ay babalik din sa kanya lalo pa’t mahigit limang taon din siyang naging bahagi nito.

Tama nga ang mga pasaring ni Pangulong Noynoy Aquino na spare tire lang sana si Binay kung hindi niya kinuha sa kanyang Gabinete. Ano nga ba ang silbi nitong si Binay kung hindi pinagbigyan ni Aquino ang pagmamakaawa niya na gawin siyang Presidential Adviser on OFWs?

Simpleng inggrato na masasabi itong si Binay. At mahirap magtiwala sa isang walang utang na loob na tao.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Balik-trabaho na tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA GITNA ng sadsad nating ekonomiya – napuruhan at …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Kids bawal mangaroling… online na lang, mas malaki pa’ng kita

AKSYON AGADni Almar Danguilan FEEL NA FEEL n’yo na ba ang Pasko? Brrrr…palamig nang palamig …

Bulabugin ni Jerry Yap

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Dragon Lady Amor Virata

Christmas party, yes na yes!

Isumbong mokay Dragon Ladyni Amor Virata MAGANDANG balita ito sa mga nagsasagawa ng family reunion …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Talas ng Little Mayor

PROMDIni Fernan Angeles MINSAN pa’y pinatunayang walang panamang tibay ng anumang estruktura kapag pinamahayan ng …

Leave a Reply