Wednesday , June 24 2026

Dapat na lagi tayong handa sa killer quake —Alunan

PINURI ni dating Department of Interior and Local  Government Secretary Rafael Alunan III ang  ginagawang paghahanda ng Metro Manila  Development Administration (MMDA) hinggil sa  paghahanda sakali mang muling yanigin ang bansa ng malakas na lindol.

Ayon kay Alunan, umabot na sa 25 malalakas na lindol  ang sunod-sunod na lumikha ng takot sa buong mundo  simula nang gulantangin ng 7.7 magnitude ang Baguio noong 1990.

Huling naganap ang killer quake noon lamang  nakaraang buwan sa Nepal kaya sapat na ito upang  maging sanhi ng pangamba sa bawat puso  ng mamamayang Filipino.

Mabuti na lamang aniya at narito ang MMDA na  magsasagawa ng Metrowide earthquake preparedness drill sa Hulyo 30.

Sa nasabing drill, pansamantalang puputulin  ang koryente at mobile phone services sa buong  Kamaynilaan. Magsasara ang lahat ng tanggapan,  negosyo at shopping malls bandang 3pm at 8 pm  upang maihalintulad sa tunay na epekto ng 7.2  magnitude quake sa daytime at nighttime.

Magdudulot din ito ng malaking pagbagal sa galaw  ng trapiko dahil titigil din pansamantala ang mga trafficlight.

Ayon kay Alunan, dito makikita kung kaya nga ba nating kumilos nang maayos at mapag-aaralan kung anuman  ang  magiging kakulangan sa nasabing gagawing  earthquake drill.

Nagsisimula ang West Valley Fault, higit na kilala  sa tawag na Marikina  fault line,  sa  Sierra  Madre  at dumaraan sa Bulacan, Rodriguez, Rizal, Quezon City, silangang bahagi ng Metro Manila na kinabibilangan ng Pasig, Taguig, Muntinlupa, gayundin sa San Pedro  at Sta. Rosa sa Laguna at nagtatapos  sa Carmona, Cavite.

“Additionally, coastal areas in the cities of Marikina,  Pasig, Taguig, Caloocan, Malabon, Navotas, Marikina, Muntinlupa, Pasay, Las Piñas and the municipality  of Pateros are prone to liquefaction and tsunami-like waves or ‘seiche,’ that occurs only in lakes, bays, or gulfs after a seismic or atmospheric disturbance. Think Laguna de Bay and Manila Bay, possibly Taal Lake,” diin ni Alunan.

Kung sakaling lumindol sa Metro Manila,  maaapektohan din ang mga lalawigan ng Rizal, Bulacan at Cavite.

Kung kaya iginiit ni Alunan na dapat sumunod ang mga property developer sa ipinatutupad na 5 meter buffer  zone sa magkabilang bahagi ng fault line gayundin  sa lahat ng alituntunin ng National Building Code of the Philippines.

“Developers are now required to secure a permit from PHILVOLCS before constructing,” ayon sa dating DILG  secretary.

“July 30 should be the first of a series of drills based on differing scenarios to test contingency plans, reflexes,  instincts, synergies, teamwork and movement. But it  will never be enough to simulate the real thing in full  horror. Individual survival will depend on the extent of one’s mental, physical and emotional fortitude, not to mention luck, in surviving the disaster and its aftermath through the long road to full recovery that will take  years.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …