Thursday , December 2 2021

Sekyu nahulog sa 2/F patay (Tinamaan ng sariling baril)

 

DAGUPAN CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang security guard sa Lungsod ng Urdaneta sa lalawigan ng Pangasinan, sinasabing nahulog mula sa ikalawang palapag ng gusaling kanyang binabantayan makaraan aksidenteng pumutok ang kanyang baril at siya ay tinamaan kamakalawa.

Palaisipan ang pagkamatay ng biktimang si Mar Llego, residente sa Dagupan City.

Sinasabing nag-iikot sa ikalawang palapag ng binabantayang gusali sa Brgy. Poblacion si Llego nang aksidenteng maiputok ang bitbit na baril kaya tumalbog ang bala at tumama sa kanyang ulo bago tuluyang nahulog.

Isinugod sa ospital ng mga kasamahan ang biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Iniimbestigahan ng pulisya ang kasamang guwardiya ng biktima upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Llego.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos MMDA

Number coding scheme (UVVRP) muling ipatutupad ng MMDA

MULING ipatutupad ngayong araw ng Miyerkoles, 1 Disyembre 2021, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Kalayaan Pagasa Deped

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan …

Sa Malabon
2 TULAK ARESTADO SA P.3-M SHABU

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga nang makuhaan ng mahigit sa …

Janitor todas sa boga ng Jaguar

ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula …

Ayuda ginasta sa toma
KUYA PATAY SA SAKSAK NG KAPATID

PATAY agad ang isang magsasaka sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, matapos saksakin ng …

Leave a Reply