Tuesday , December 7 2021

Mag-ina pinatay ng amang Japanese nat’l

052315 FRONTHINIHINALANG pinatay ng isang Japanese national ang kanyang mag-ina at pagkaraan ay nagtangkang magpakamatay ang suspek sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili sa Parañaque City.

Kinilala ang mga biktimang sina Raquel Ura, 43, at Kenji Alexis, 13, grade 8 pupil, kapwa nakatira sa Unit 20, Bayview Garden Homes 3, Roxas Blvd., Brgy. Tambo ng naturang lungsod, hinihinalang pinatay sa sakal.

Habang kritikal ang kalagayan sa San Juan de Dios Hospital ang suspek na si Yoshihiko Ura, nasa hustong gulang, ng nasabi rin lugar.

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Ariel L. Andrade, hepe ng Paranaque City Police, dakong 5:30 a.m. nang matagpuan ni Concordia Martin, ina ni Raquel, ang kanyang manugang na si Yoshihiko habang duguan sa loob ng comfort room ng kanilang master’s bedroom sa ikalawang palapag ng Unit 20, Bayview Garden Homes 3, sa Roxas Boulevard, Brgy. Tambo.

Sunod na natagpuan ni Martin ang kanyang anak na si Raquel at apong si Kenji Alexis na wala nang buhay sa kama ng isa pang kwarto.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District Office (SPDO), may nakitang mga marka sa leeg ng mga biktima, palatandaan na sila ay sinakal.

Wala rin nakitang senyales ang SOCO na may naganap na forcible entry sa kanilang unit at walang nawawalang kagamitan kaya masasabing walang nakapasok na ibang tao.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Sa Pasig
3 GINANG, 1 PA TIKLO SA DROGA

KALABOSO ang tatlong ginang at isang lalaki nang bentahan ng ilegal na droga ang tauhan …

Lolo, ginang, isa pa, nalambat sa buy bust

HULI ang tatlong tulak na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang lolo at ginang matapos …

PASKUHAN SA MAYNILA isko moreno

Hikayat ni Yorme
“PASKUHAN SA MAYNILA” BISITAHIN

INAANYAYAHAN ni Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ni Vice Mayor …

Cold Temperature

Pinakamalamig na temperatura naitala sa Baguio, NCR ngayong taon

INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na naitala ang pinakamalamig na …

P500 500 Pesos

Suspek na 2 Chinese, Pinoy natakasan
MALAYSIAN KINIDNAP SA P500 RANSOM

SA KABILA ng limang daang pisong ransom money, natakasan pa rin ng Malaysian national ang …

Leave a Reply