Sunday , April 28 2024

Pacman binigyan ng hero’s welcome sa GenSan

SINALUBONG ng hero’s welcome si Manny Pacquiao sa kanyang pag-uwi sa General Santos City, Biyernes ng umaga. 

Sa airport pa lang, dumagsa ang mga kababayang nag-abang sa flight ni Pacman na lumapag pasado 8:30 a.m.

Kasama ng boksingero ang misis na si Jinkee, mga anak, at ilang miyembro ng kanyang coaching staff. 

Habang hindi natuloy ang ikinasang arrival honors sa airport para sa boxing icon na piniling simulan nang mas maaga ang pag-iikot sa kanyang hometown. 

Sa pag-arangkada ng motorcade sa anim na barangay, hindi nabanaag ang injury sa kanang balikat ni Pacquiao, na namigay ng mga jacket, t-shirt at kopya ng kanyang album sa nadaanang fans.

Kasunod nito, nagpaunlak ng press conference si Pacquiao sa isang mall at muling nagpasalamat sa mga tagasuporta.

About hataw tabloid

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *