Saturday , April 27 2024

Mister ipinakulong ni misis (Nabuking na may kalaguyo)

NAGA CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang padre de pamilya sa Infanta, Quezon, makaraan ireklamo ng sariling misis ng pangangalunya.

Nabatid na hinahanap ng 28-anyos ginang ang kanyang asawa sa lugar na inakala niyang nagtatrabaho, upang humingi ng pera para sa kanilang anak na may sakit.

Ngunit laking gulat ng ginang nang makita niya ang apartment na tinitirahan ng kanyang mister kasama ang kalaguyo.

Ayon sa mga kapitbahay ng kanyang mister, dalawang buwan nang nagsasama ang suspek at ang kanyang babae.

Bukod dito, tumanggi rin ang suspek na magbigay ng pera para sa kanyang mga anak.

Bunsod nito, nagsuplong sa pulisya ang ginang at desididong kasuhan ng concubinage ang kanyang mister.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *