Saturday , April 27 2024

Kelot todas sa saksak ng sekyu

PATAY ang isang 22-anyos lalaki makaraan saksakin ng security guard nang mapagbintangang magnanakaw sa loob ng compound sa R10, Tondo, Maynila kamakalawa.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jay-ar Malong, walang asawa, jobless, at nakatira sa 344 Camia Street, Velasquez, Tondo, Maynila sanhi ng saksak sa dibdib.

Habang tinutugis ng mga pulis ang suspek na si SG RM Villaruel, 40 hanggang 45-anyos, 5’2 hanggang 5’4  ang taas, katamtaman ang pangangatawan, at stay-in sa Gothong Trucking Company sa R10, Tondo.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District Homicide Section, dakong 5:30 p.m nang maganap ang insidente sa loob ng trucking company sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng nakawan sa loob ng kompanya ng kable ng koryente kaya nang makita ng suspek ang biktima sa loob ng compound ay agad kinompronta.

Humantong ito sa pagtatalo hanggang sa maglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Nagawa pang makauwi sa kanilang bahay ang biktima at humingi ng tulong upang maisugod sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *