Ayon kay Matteo, pinaghandaan niya nang sobra ang mga action scene niya sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Rod Santiago.
“I trained hard for this movie, pero enjoy ako. I love doing stunts. I love jumping and doing crazy things, pinaghandaan talaga namin itong lahat. Maraming takbuhan dito, very physical talaga itong film,” saad ni Matteo.
Idinagdag ng Kapamilya actor na dream talaga niyang sumabak sa action movie. ”Pangarap ko talagang magkaroon ng action movie, kumbaga sa mga fight scenes sa mga ganyan ay very hands-on ako sa mga ipinagagawa sa akin, alam mo ‘yon?
“Hindi typical na fight scenes ang ipinagagawa na kapag nasuntok ay OA ang reaction. I want to make it na authentic talaga ‘yung action scenes.
“Kasi ang mga consultant namin ay trabaho talaga nila ito in real life, ex-CIA agent siya, e. So, sobrang experience sila at credible pagdating sa ganitong mga bagay.”
Sinabi rin ni Matteo na talagang nagkasakitan sila ni Paolo Contis sa kanilang matinding action scene.
“Half Italian si Paolo, ‘yung fight scene namin ni Paolo, kaming dalawa mismo ang gumawa, e. So, open minded siya talaga bilang artist, ayos siyang katrabaho.
“May mga times na nagkasakitan talaga kami, like ‘yung na-armbar niya ako, tapos ay tumayo ako at pagbuhat dapat ay cut na. Nagkamli ako na sa sobrang bigat nabagsak ko siya at nasaktan ang buong likod niya.
“Iyong fight scene namin ni Paolo Contis, i-yong sa totoo, noong nag-shoot kami, mga 20 minutes dire-diretso ‘yun, bugbugan kaming da-lawa. Pero sa screen I think it’s short, cut already, pero iyong original sobrang haba. Nagbugbugan talaga kami, as in tirahan ‘yun, pasa-pasa kami the next day.
“All the different stunts here, tumbling, jumping and all that stuff, lahat iyon challenge, but its all fun.”
Sa Tupang Ligaw ay hindi lamang sa aksiyon nagpakitang gilas si Matteo, si-guradong mapapansin rin ang husay niya sa drama. Pinaiyak niya ang mga staff sa eksena na napaluha siya sa galit habang nasa harap ng puntod ng kanyang kapatid at doon sa eksena na ipinagtapat niya sa kanya ina (Suzette) na patay na ang kanyang kapatid na hinahanap. May napatunayan na naman si Matteo dahil itinanghal siyang Best Actor sa Cinema One Original fil na Saturday Night Chills noong 2013. Bilib na bilib ang Executive Producer ng BG Productions na si Ms. Baby sa professionalism at talento ni Matteo sa Tupang Ligaw, bukod sa pareho silang Bisaya. Dahil dito ay pinaplano na ang isang Visayan movie na gagawin sa Cebu mismo, ang hometown ni Matteo, kaya kaabang-abang ito.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio