MATABIL
ni John Fontanilla
SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film na Arapaap na idinirehe ni Romm Burlat. Kabituin dito ni Ralph ang Viva teen actress na si Elia Elano.
Mapapanood si Ralph sa bagong yugto ng FPJ Batang Quiapo bilang bestfriend ni Albi Casin̈o.
Makakasama rin ito sa advocacy film na hatid ng Dreamgo Productions, Sa Aking Mga Anak mula sa direksiyon ni Jun Miguel. Makakasama rito ang nagbabalik acting na si Hiro Magalona with Natasha Ledesma, Patani Dan̈o, Prince Villanueva, Cecille Bravo, Klinton Start at mahuhusay na child stars.
Abala rin ito sa kanyang negosyo na Siomura na marami ng branches sa buong Pilipinas.