Kakaiba ang musika o melodiya nito na kay sarap sa pandinig at ang mga liriko ay puno ng aral na kakaiba sa pangkaraniwang pagkaka-intindi natin sa salitang dreamboy ng buhay ko.
Kakaibang atake ang ginawa ni Sunny sa nasabing awitin na siyang magiging carrier single ng album with the same title. Lahat ng mga awitin sa debut album ni Pauline ay pawang mga original and new compositions ni Sunny.
Nakakaaliw dito ang mga bali ng mga nota ng melodiya na para kang ibinabalik sa mundo ng mga dekada 70’s at 80’s. Sabi nga, for sure hit ang mga awiting ito ni Pauline dahil sa veteran composer na si Sunny, na kilalang hitmaker.
Maganda si Pauline at magbu-bloom pa ang ganda nito na bagay sa kakaiba niyang tinig na kay ganda at sarap pakinggan.
Si Pauline ay Grade 9 sa St. Mary’s Academy, Pasay City. Kahit busy sa singing career, aktibo pa rin ang dalagita sa campus activities. Ang pagtugtog ng gitara ang isa sa libangan niya, kaya isang certified music lover talaga siya mula noong bata pa. Ang kanyang daddy na si Andy Cueto na very supportive sa kanyang mga pangarap, ang isa sa iniidolo ni Pauline.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio