Sunday , November 24 2024

Sports

NALUSUTAN ni Calvin Abueva ng Alaska sa kaniyang lay up ang nakabantay na sina Gabby Espinas at Marcio Lassiter ng San Miguel Beermen sa kanilang laban sa Smart Bro PBA Philippine Cup Finals Game Four sa Philsports Arena sa Pasig City kung saan nanalo ang Beermen sa OT,  110 – 104. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Mark Palomar sasabak sa UGB MMA 13: Foreign Invasion

OFFICIAL weigh-in kahapon Enero 21 ni Underground Battle (UGB) mixed martial arts middleweight champ Mark Palomar ng Filipinas para sa gagawin niyang title fight kontra kay dating One FC competitor Brad Robinson ng Estados Unidos para sa main event ng UGB MMA 13: Foreign Invasion sa Makati Coliseum. Kilala si Palomar bilang isang striker at standup fighter na may malakas …

Read More »

3-0 target ng Alaska

HINDI pa rin maglalaro ang reigning Most Valuable Player na si June Mar Fajardo kung kaya’t llamado pa rin ang Alaska Milk kontra San Miguel Beer sa Game Three ng kanilang best-of-seven seryeng pangkampeonato ng PBA Philippine Cup mamayang 7 pm sa Quezon Convention Center sa Lucena City. Napanalunan ng Aces ang unang dalawang laro ng serye. Nakahabol sila sa …

Read More »

Lady Stags babawi ngayon

UMAASA si San Sebastian head coach Roger Gorayeb na makakabawi ang Lady Stags sa Game 2 ng NCAA Season 91 women’s volleyball finals mamayang alas-4 ng hapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Ginulat ng St. Benilde ang SSC, 24-26, 25-21, 25-19, 25-13, sa Game 1 noong Martes na pumutol sa siyam na sunod na panalo ng Lady …

Read More »

Hindi puwedeng isakripisyo si Fajardo

“PUWEDE naman naming isakripisyo ang championship ng Philippine Cup. Hindi namin puwedeng isakripisyo si June Mar Fajardo!” Iyan ang nasabi ni San Miguel Beer coach Leovino Austria matapos na matalo sila sa Alaska Milk, 83-80 noong Martes at bumagsak 0-2 sa best-of-seven seryeng pangkampeonao ng PBA Philippine Cup. Hindi pa rin nakapaglaro ang 6-10 higante ng Beermen dahil sa pamamaga …

Read More »

NAPIGILAN ang lay up ni Arwind Santos ng San Miguel nang sabayan ng depensa ni Tony dela Cruz ng Alaska sa ere. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Underground Battle Mixed Martial Arts 13: Foreign Invasion

INIHAYAG kamakailan ng World Series of Fighting – Global Championship (WSoF-GC) ang pagkakaroon ng kasunduan para sa pagtatanghal ng mga pandaigdigang laban sa mixed martial arts na gagamitin ang Filipinas bilang basehan ng kanilang promotion. Kasunod nito, itatanghal ngayong araw ng Biyernes (Enero 22) ang kauna-unahang regional event sa ilalim ng WSoF-GC promotional banner sa pagtatanghal ng Underground Battle mixed …

Read More »

Compton: Hindi dapat magkampante sa game 3

KAHIT may 2-0 na kalamangan ang Alaska Milk sa finals ng Smart BRO PBA Philippine Cup, iginiit ni Aces coach Alex Compton na hindi dapat maging sobra ang kanilang kompiyansa. Nakuha ng Aces ang ikalawang sunod na panalo kontra Beermen pagkatapos na maitala nila ang 83-80 na panalo sa Game 2 noong Martes ng gabi. Naisalba ni Vic Manuel ang …

Read More »

Olympic qualifying tour idaraos sa ‘pinas

HINDI naitago ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan ang kanyang kasiyahan pagkatapos na makuha ng ating bansa ang karapatang idaos ang isa sa tatlong wildcard qualifiers para sa men’s basketball ng Rio Olympics. Bukod sa Pilipinas, gagawin din sa Serbia at Italya ang dalawa pang torneong sabay na gagawin mula Hulyo 4 hanggang 10 …

Read More »

Bowles balik-Star

KINOMPIRMA ng board governor ng Purefoods Star na si Rene Pardo na babalik si Denzel Bowles bilang import ng Hotshots para sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula na sa Pebrero 10. Darating si Bowles sa susunod na linggo. “Yes, confirmed na si Denzel na maglalaro sa amin,” wika ni Pardo.  “Nag-request lang ng konting extension dahil nagkasakit yung nanay niya. …

Read More »

Low Profile magaan na nagwagi

Magaan na nagwagi ang kabayong si Low Profile na sinakyan ng kanyang regular rider na si Mark Angelo Alvarez sa naganap na unang malaking pakarera na 2016 PHILRACOM “Comissioner’s Cup” Race. Sa largahan ay magaan na nakuha nila ang harapan at bahagyang nakalayo ng may apat na kabayong layo sa mga nakalaban. Paglagpas ng medya milya ay biglaang nakadikit ang …

Read More »

2-0 asam ng Alaska

SASAMANTALAHIN ng Alaska Milk ang pagkawala ni June Mar Fajardo at sisikaping maibulsa ang ikalawang panalo kontra San Miguel Beer sa Game Two ng PBA Philippine Cup best-of-seven championship series mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Napanalunan ng Aces ang series opener, 100-91 noong Linggo matapos na mablangko ang Beermen sa huling 1:57 at gumawa ng …

Read More »

Fajardo malabong makalaro sa game 2

MALABO pa ring makalaro si June Mar Fajardo para sa San Miguel Beer sa Game 2 ng Smart BRO PBA Philippine Cup finals mamayang gabi. Ni anino ni Fajardo ay wala sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo para sa Game 1 kung saan natalo ang Beermen kontra Alaska, 100-91. Ayon kay SMB coach Leo Austria, umuwi kaagad si Fajardo mula …

Read More »

NCAA volleyball finals magsisimula na

LALARGA na ngayong hapon ang finals ng women’s at men’s volleyball ng NCAA Season 91 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. Tampok na laban sa alas-kuwatro ang Game 1 ng women’s finals na paglalabanan ng San Sebastian College at College of St. Benilde. Nakuha ng Lady Stags ang unang puwesto sa finals pagkatapos na walisin nila ang …

Read More »

PALOBONG ipinukol ang bola ni Vic Manuel ng Alaska na tinukuran ng depensa ni Gabby Espinas ng San Miguel Beermen. Kumonekta ng game-high 24 puntos si Manuel sa panalo ng Alaska 100 – 91 sa Game One Finals ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

2016 Philracom “Commissioner’s Cup”

LALARGAHAN sa January 17 (Linggo) ang 2016 Philracom Commissioner’s Cup sa  Metro Manila Turf Club Inc., sa Malvar, Batangas. Sa distansiyang 1,800 meters ay lalahok ang mga kabayong Biseng-bise, Dixie Gold, Hook Shot, Kanlaon, Love na Love, Low Profile at Manalig Ka. May kabuuang papremyo na P1,200,000 na paghahatian ng mga sumusunod na mananalo:   1st Prize, P720,000;  2nd P270,000, 3rdP150,000 …

Read More »

HINDI na umabot ang depensa ni Terrence Romeo ng GlobalPort sa lay up ni JV Casio ng Alaska. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Donaire vs Bedak ‘di pa kasado

SINABI ni Cameron Dunkin, manager ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na hindi pa pinal ang ikinakasang laban ng Pinoy pug kay No. 4 ranked Zsolt Bedak . Ayon kay Dunkin, kailangan pa nilang malaman ang resulta ng laban ng dating featherweight champion Evgeny Gradovich bago magdesisyon kung sino na nga ba ang ikakasa kay Donaire para sa magiging laban …

Read More »

Tanduay Rhum handa na sa D League

OPISYAL na inilabas ng Tanduay Rhum ang lineup nito para sa PBA D League Aspirants Cup na magsisimula sa Enero 21. Pangungunahan ng mga beteranong sina Jaypee Belencion, Lucas Tagarda, Joseph Eriobu, Adrian Santos, Rudy Lingganay at Pari Llagas ang kampanya ng Rhum Masters sa ilalim ni coach Lawrence Chiongson. Nakuha ni Chiongson ang mga baguhang sina Ryan Wetherell, Ryusei …

Read More »

Semis target ng AMA

KAHIT wala na ang ilang mga dati nitong manlalaro, pakay pa rin ng AMA Online Education na makapasok sa semifinals ng PBA D League Aspirants Cup simula sa Enero 21. Lumipat na sina James Martinez at Jay-R Taganas sa Jumbo Plastic Linoleum ng Pilipinas Commercial Basketball League kaya napilitan si coach Mark Herrera na kunin ang mga bagong manlalaro bilang …

Read More »

Donaire mapapalaban sa The Big Dome

MAPAPALABAN na naman si Nonito Donaire Jr., at ngayo’y sa Smart Araneta Coliseum tatangkain ng Pinoy champ na mapatunayang muli ang kanyang husay bilang kampeon sa buong mundo. Kinompirma ito ni Top Rank promoter Bob Arum makaraang matagumpay na mapanalunan ng 33-anyos na alaga sa kanyang comeback fight ang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight title nitong nakaraang Disyembre kontra …

Read More »

Alaska reresbak sa Globalport

MATAPOS na mapahiya sa series opener, sisikapin ng Alaska Milk na makaresbak sa Globalport sa Game Two ng kanilang PBA Philiippine Cup semifinals series mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon Citty. Nakauna ang Batang Pier sa serye nang magtala ng 107-93 panalo sa Game One noong Lunes. Ang tropa ni coach Alfredo Jarencio ay pinangunahan ng Asian …

Read More »

PBA D League lalarga na sa Enero 21

MAGBUBUKAS na sa Enero 21, Huwebes, ang unang torneo ng 2016 season ng PBA D League sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. Ang Aspirants Cup ay magiging unang torneo ng D League kung saan siyam na koponan ang kasali. Unang maglalaban sa alas-dos ng hapon ang Caida Tile Masters kontra Tanduay Rhum Masters pagkatapos ng opening ceremonies …

Read More »

UAAP volleyball magsisimula sa Enero 30 at 31

SA HULING weekend ng buwang ito magsisimula na ang Season 78 women’s volleyball ng University Athletic Association of the Philippines. Unang maglalaban sa Enero 30, Sabado, ang Adamson University at University of the East sa alas-dos ng hapon kasunod ang sagupaang Far Eastern University at De La Salle University sa alas-kuwatro. Kinabukasan ay maglalaban ang defending champion Ateneo de Manila …

Read More »

Bagong opisyales ng NPJAI

Binabati ko ang mga bagong halal na officers and board of directors ng NPJAI (New Philippine Jockey’s Association, Inc.) na pinangungunahan ng kanilang bagong President na si Redentor R. De Leon (RR De Leon), Bise-Presidente na si Gilbert L. Francisco (GL Francisco), bilang Secretary ng samahan ay si Rey An R. Camanero (RR Camanero), Ingat Yaman naman si Antonio B. …

Read More »